Iqbal: Pagbabalik ng mga armas ng SAF, kusang loob P.2
Transcripción
Iqbal: Pagbabalik ng mga armas ng SAF, kusang loob P.2
2 15 Iqbal: Pagbabalik ng mga armas ng SAF, kusang loob P.2 Iba’t ibang teachers’ group, P.3 may sit-down strike ngayon Aktor, feeling P.8 superstar Daniel: Mapera na si Mama P.8 P.10 Diether, baon sa utang? Jasmine Cesar vs at Sam, Sunshine, tuluyan lalong P.9 nang P.9 umiinit naghiwalay TAON XLIII BLg. 86 MArTes, PeBrerO 24, 2015 R10.00 WRONG INFO Magkakasalungat na impormasyon, natanggap ni PNoy — Roxas P.2 P.5 Bahay, sinunog ni tatay; anak, patay Durant, makalalaro pa Pilipinas, sa bago matapos ikalawa pinakamaraming ang regular nagyoyosi season P.15 sa ASEAN P.4 Pamilya Laude, hinding-hindi makikipag-areglo kay Pemberton PAKITANG-GILAS Lumilipad ang trainer plane malapit sa watawat ng Pilipinas na nasa kapitolyo ng Pangasinan. Lumapag ang eroplano sa kalapit na airport sa Lingayen, na rito tinuturuan ang mga estudyanteng piloto na magpalipad at mag-landing ng eroplano. JOJO RIÑOZA 2 martes, pebrero 24, 2015 Magkakasalungat na impormasyon, natanggap ni PNoy—Roxas Ni LEONEL ABASOLA Inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na iba’t ibang mga impormasyon ang natanggap ni Pangulong Benigno Aquino III hinggil sa nangyaring operasyon sa Mamasapano, Maguindanao. “The President asked some questions in the nature kung ano ba ang nangyayari. PNoy was getting in other reports that are conflicting with each other,” ayon kay Roxas. Inamin naman ni dating Philippine National Police (PNP) Director General Alan Madrid Purisima na siya ang nagsabi kay Pangulong Aquino, sa pamamagitan ng text ganap na 5:45 umaga pa lang noong Enero 25, na napatay na si Zulfikfli bin Hir, alyas Marwan, at may isang SAF na nasugatan sa engkuwentro. Iginiit ni Roxas na wala siyang alam sa operasyon kaya nagtanong siya kay PNP Officer-in-Charge Deputy Director General Leonardo Espina kung ano ang nangyayari. Sa nabanggit na pagdinig, sinabi rin ni Purisima kay Pangulong Aquino na suportado ang Philippine National PoliceSpecial Action Force (PNP-SAF) ng military kahit na sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi sila makapasok dahil tubigan ang lugar. Nilinaw naman ni AFP Western Mindanao Command Chief Lt. General Rustico Guerrero na sinabihan nila si Purisima na may mechanized brigade, infantry at artillery sa lugar. “Hindi ko sinabi na may puputok na artillery, sinabi ko lang na available. If it was said earlier, [we could have prepared and provide it for them]. But there was no coordination made at my level. Wala kaming complete picture of what’s happening,” ayon kay Guerrero. Sina Roxas, Guerrero at ilang opisyal ng pamahalaan ay kasama ni Pangulong Aquino sa Zamboanga City. Iginiit naman ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Policy Evan Garcia na walang partisipasyon ang Amerika sa operasyon. “In our own discussions with the US, we have ascertained from our own discussions that the plan and the execution of the operation were 100-percent Filipino,” ayon kay Garcia. Sinabi naman ni Senator Vicente Sotto III na kailangan ang unified police and military command para maiwasang maulit ang insidente. “After hearing the issues at hand, I am convinced that we need a unified armed forces and police command under DND (Department of National Defense). The present command structure is divided and the result is Mamasapano,” ayon kay Sotto. Yolanda survivors, hinikayat na sila naman ang tumulong Bilang tugon sa panahon ng Kuwaresma, hinikayat ng isang obispo ng Simbahang Katoliko na ang Yolanda survivors naman ang magbigay ng tulong sa iba. Ayon kay Palo Archbishop John Du, ito na marahil ang tamang panahon para ibalik ng Yolanda survivors ang mga natanggap nilang tulong sa pamamagitan ng pagtulong din sa iba. Sinabi ng arsobispo na maaari itong gawin ng Yolanda survivors sa pamamagitan ng Alay Kapwa Lenten collection. Tiniyak naman ni Du na ang mga tulong na malilikom nila ay ipadadala nila sa Vatican. Maaari rin umanong magbigay ng suporta sa Simbahan sa pamamagitan ng Caritas fund, kung saan mula rito ay ginagamit sa relief at rehabilitation projects para naman sa mga darating na kalamidad. Kaugnay nito, pinaalalahanan din ni Du ang publiko sa pagaayuno ngayong Lenten season. Ang halaga aniyang matitipid mula rito ay maaaring gamitin sa pagtulong sa mga nangangailangan. Mary Ann Santiago Pumanaw na OFW, hinihinalang may bird flu Iniulat ng Department of Health (DoH) na hinihinalang bird flu ang naging sakit ng isang overseas Filipino worker (OFW) na dumating sa bansa mula sa China kamakailan ngunit namatay dahil sa mabilis na paglala ng kondisyon nito. Sa kabila naman nito, nilinaw ni Health Secretary Janette Garin na sakali man na makumpirmang bird flu ang ikinamatay ng OFW ay wala pa ring dapat na ikabahala ang publiko dahil ang pagkamatay at pag-cremate dito ay hudyat na matitigil na ang anumang posibleng pagkalat ng sakit. Nabatid na nabigyan na rin ng prophylaxis o Tamiflu ang mga taong nagkaroon ng contact sa pasyente. Ayon kay Garin, may anim katao ang nagtrabaho sa China at nang magkasakit ang OFW ay nagpasyang umuwi ito noong Pebrero 9 upang makapiling ang kanyang pamilya. Gayunman, kinabukasan, Pebrero 10 ay dumaing ito ng pananakit ng tiyan at nakaranas rin ng ubo at lagnat. Kumonsulta ito sa doktor noong Pebrero 11 ngunit lumala ang karamdaman nito at namatay noong Pebrero 14. Una umanong ikinunsidera ng DoH na posibleng Middle East Respiratory Syndrome Coronavirs (MERS-Cov) ang karamdaman ng biktima ngunit nang mapag-aralan ang background nito ay natuklasang nalantad ito sa live poultry sa China kaya mas malamang na bird flu ang tumama sa kanyang sakit. “If indeed this patient contracted bird flu, his death has ended other possibility of transmission,” pagtiyak ng Kalihim. Sa kabila naman nito, sinabi ni Garin na hindi pa rin dapat na magpabaya ang lahat at kinakailangang maging maigting sa pagbabantay upang matiyak na hindi makakapaminsala sa bansa ang naturang mga sakit. Mary Ann Santiago balita Ni Jun Ramirez WALANG BAYARAN Iqbal: Pagbabalik ng mga armas ng SAF, kusang loob Ni Fer Taboy Walang katotohanan na binayaran ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) kaya isinauli ang 16 sa 44 baril ng mga nasawing miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25. Ayon kay MILF spokesman Mahagher Iqbal na negatibo ang isiniwalat na akusasyon ni Fr. Eliseo “Jun” Mercado na binili ng gobyerno ang mga armas ng PNP-SAF upang ibalik ng MILF ang ilan sa mga ito. Sinabi ni Iqbal na walang basehan at malisya ang akusasyon sa kanila matapos na isauli nila ang mga armas noong Pebrero 18, 2015. Kamakailan ay ibinunyag ni Fr. Mercado, ang director ng Institute for Autonomy on Governance (IAG) na isang organisasyon na aktibo sa peace advocacy sa Mindanao, na binili ng gobyerno ang mga baril na pag-aari ng PNP. Ang sinasabing ipinambayad na pera ng gobyerno sa MILF at galing umano sa pondo ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPPAP) “Wala pong katotohanan na binayaran ng gobyerno ‘yung mga armas. Kusang loob naming isinauli ito sa gobyerno,” sinabi ni Iqbal. “Hindi ko po maintindihan kung ano ba ang nasa isip ni Fr. Jun kaya niya nasabi ang mga bagay na ito,” dagdag ni Iqbal. Dahil dito, nanawagan si Iqbal sa publiko na huwag nang gatungan ang tensiyon sa naging resulta ng Mamasapano incident dahil makasasama lamang ito sa pag-uusap ng gobyerno at MILF. 3 MMDA traffic constable sinibak sa extortion Tatlong traffic constable ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nasibak sa trabaho dahil sa extortion, grave misconduct, at gross neglect of duty habang 23 iba pa ang sinuspinde dahil sa pagkakasangkot sa ilang anomalya. Ipinag-utos ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang pagsibak sa tungkulin sa tatlong traffic constable na hindi na pinangalanan ng ahensiya. “Magsilbi sana itong warning sa lahat ng pasaway na empleyao. Patuloy naming aalisin ang mga bugok na itlog sa ahensiya,” ani Tolentino. Dalawampu’t tatlo namang kawani ng MMDA ang nahaharap sa mga kasong administratibo dahil sa pagkakasangkot umano sa pangingikil, kuwestiyonableng pag-iisyu ng violation receipts, at iba pang paglabag. Lahat sila ay isinailalim sa suspensiyon ng 15-90 araw. Samantala, 50 iba pa ang inisyuhan ng reprimand sa kaparehong mga paglabag. Sa nasabing bilang, tatlo ang kinasuhan. “Hinihimok ko ang publiko na patuloy na maging mapagmatyag at i-report sa MMDA ang anumang ilegal na aktibidad na kinasasangkutan ng aming mga empleyado, gayundin ay kilalanin at maparangalan ang mga tapat at masisipag na kawani,” ani Tolentino. Anna Liza Villas-Alavaren 2 patay sa salpukan ng motorsiklo Patay ang dalawang sakay sa motorsiklo, kabilang ang isang tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) habang sugatan naman ang dalawang angkas sa salpukan ng motorsiklo sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw. Matinding pinsala sa ulo at katawan ang tumapos sa buhay ng driver ng Honda XRM motorcycle (IA1263) na si Joey Ramos, 43, may asawa, kawani ng AFP at stay-in sa barracks sa Taguig City; at Jessie Manalo, 25, ng Cupang Muntinlupa City, na nagmamaneho naman ng bagong SYM motorcycle. Dinala naman sa Taguig-Pateros District Hospital ang mga nasugatang sina Edgardo Soria Jr., 20, binata, ng Barangay Sto. Cristo, Maria Aurora, Aurora Province; at Eric Cawaling, 29, empleyado ng SM Bicutan at nakatira sa Cupang, Muntinlupa City. Sa natanggap na ulat ni Parañaque City Police chief Senior Supt. Ariel Andrade, dakong 3:00 ng umaga nang salpukin ng SYM motorcycle ni Manalo, kaangkas si Cawaling, ang Honda XRM na minamaneho ni Ramos, na angkas naman si Soria. Nakalagak ang mga labi nina Ramos at Manalo sa Royalty Funeral Morgue. Bella Gamotea 3 balita martes, pebrero 24, 2015 Dagdag Balita AFP, nakialam na sa labanang MILF-BIFF Hindi nagtakda ng deadline si Defense Secretary Voltaire Gazmin sa militar sa operasyon nito laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Mindanao. Sinabi ni Gazmin na hindi nagtakda ng deadline sa operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa BIFF, sa gitna ng pangamba ng kagawaran na madamay ang mga sibilyan sa patuloy na labanan ng BIFF at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Maguindanao at Cotabato. Ayon kay Gazmin, nakahanda ang AFP na magbigay ng operational support sa MILF para mapulbos ang BIFF. Fer Taboy Lamig sa Metro Manila, umabot sa 18.2˚C Naramdaman kahapon ang matinding lamig sa Metro Manila. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bumagsak sa 18.2 degrees Celsius ang temperatura sa National Capital Region (NCR) dakong 6:30 ng umaga kahapon. Sinabi ng PAGASA na dakong 2:00 ng umaga ay naitala ang 21.2 degrees Celsius sa Metro Manila pero bumaba pa ito sa 19.0 degrees Celsius pagsapit ng 5:00 ng umaga at tuluyang bumaba sa 18.5 degrees Celsius pasado 6:00 ng umaga. Ayon sa record ng PAGASA, naramdaman ang 19.5°C sa Metro Manila noong Linggo ng umaga. Matatandaang bumagsak sa 18.0°C ang temperatura sa Metro Manila noong Pebrero 3. Rommel P. Tabbad Bagong G77 & China leader, Pinoy Inihalal ang Pilipinas bilang pinuno ng Group of 77 (G77) and China ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) para sa 2015. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), si Philippine Ambassador to France at Permanent Delegate to UNESCO Maria Theresa Lazaro ang nahalal sa plenaryo kamakailan ng G77 and China na idinaos sa UNESCO Headquarters. Ang G77 and China ay isang grupo ng mahihirap na bansa na itinatag ng Geneva noong 1964 sa unang United Nations Conference on Trade and Development. Mula sa orihinal na 77 miyembro, nasa 134 bansa na ngayon ang kasapi ng grupo, na pangunahing layunin ang paunlarin ang pamumuhay ng mga taon sa mahihirap na bansa. Papalitan ni Lazaro si Ambassador Ahmad Sayyad ng Yemen bilang pinuno ng G77 and China. Roy Mabasa Henares kay Pacquiao: Isipin ang kinabukasan ng ‘yong mga anak Ni JUN RAMIREZ “May the best man wins.” Ito ang sagot ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim S. Henares nang usisain tungkol sa pinakaaabangang laban ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa Amerikanong si Floyd Mayweather Jr. Hindi tumugon si Henares nang tanungin kung sasapat ba ang kikitain ni Pacquiao mula sa tinaguriang “fight of the century” para mabayaran ang mga utang sa buwis ng kongresista. Sa halip, sinabi ni Henares, “Pacquiao should spend wisely his hard-earned money to protect the interest of his children.” “He should think first of his children’s future,” sabi ni Henares. Sinabi ng BIR chief na maaaring madali para kay Pacquiao na mawala ang lahat ng yaman ng pamilya nito at magbalik sa dating simpleng pamumuhay, pero hindi ito uubra sa mga anak ng boksingero. Aniya, naiwasan sana ni Pacquiao ang paglobo ng multi-bilyon pisong deficiency tax assessment kung hindi binalewala ng kongresista ang mga notice sa kanya ng BIR. Una nang iginiit ni Pacquiao na ang deficiency tax assessment ng BIR sa kanya ay arbitrary at ilegal. Saklaw ng tax liabilities ang $28million kinita ni Pacquiao mula sa matatagumpay niyang pagdedepensa sa iba’t ibang boxing titles sa limang laban niya sa Amerika noong 2008 at 2009. Ang utang ni Pacquiao sa buwis ay unang tinaya sa P2.2 bilyon, pero umabot na ito sa P4 bilyon nang isama ang 50 porsiyentong surcharge at 20 porsiyentong taunang interest. Inaasahang kikita si Pacquiao ng $100 million mula sa $250 million prize sa ilalim ng 40-60 arrangement nila ni Mayweather. Batang suicide bomber, nakapatay ng 7 KANO, Nigeria (AFP) – Isang batang babae na tinatayang pitong taong gulang lang ang nagpakamatay sa kanyang suicide bombing, at nasawi ang pitong iba pa sa hilagasilangang Nigeria, noong Linggo. Anim ang naitalang patay base sa ibinigay na datos ng mga saksi at mga taga-ospital—ang nagpasabog at limang iba pa—ngunit ayon sa medical sources ng ospital sa Potiskum, nadagdagan ito matapos mapatay ang dalawa sa mga nasugatan. NoKor: Bawal ang turista MAY LIWANAG ANG BUHAY Mabusising inililipat ng obrero ang kable ng kuryente na tinamaan sa isinasagawang road widening project sa CP Garcia sa Quezon City, kahapon. Nakiisa ang iba’t ibang establisimyento sa Interruptible Load Program ng Meralco at Department of Energy. MICHAEL VARCAS PARA SA DAGDAG NA SUWELDO, ‘PNOY RESIGN’ Iba’t ibang teachers’ group, may sit-down strike ngayon Magsasagawa ng sit-down strike ngayong Martes ang mga kasapi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) para igiit ang dagdag na sahod ng mga guro. Ayon kay France Castro, secretarygeneral ng ACT, sasama sa protesta ang Manila Public School Teachers Association (MPSTA) upang igiit ang dagdag sa suweldo at benepisyo ng mga guro. Nais ng grupo na ipatupad ang RA 4670 o ang Magna Carta for Public School Daigdig Teachers. Inihayag ng MPSTA na igigiit nilang itaas sa P25,000 ang P18,549 na kasalukuyang sinasahod ng bagong guro. Sa hanay naman ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC), sinabi ni Benjo Basas na marami nang pagkukulang o pagkakautang ang administrasyong Aquino kaya panahon na aniyang dagdagan ang suweldo at mga benepisyo ng mga guro. INCREASE NA NAMAN? Nagsama-sama kahapon ang National Union of Students of the Philippines at iba pang mga grupo ng estudyante para magsagawa ng dance mobilization, sa saliw ng awiting “Bang Bang”, sa tapat ng Commission on Higher Education upang tutulan ang nagbabadyang muling pagtataas ng matrikula sa susunod na school year. MICHAEL VARCAS Aniya, 2009 pa huling itinaas ang sahod ng guro. Napag-alaman din na kaisa ang mga guro sa panawagang magbitiw na sa puwesto si Pangulong Benigno S. Aquino III. Samantala, nagsabog kahapon ng itim na confetti ang mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa, Maynila bilang bahagi ng isang-linggong pagkilos para hilingin ang resignation ni PNoy. “We call on each and every Iskolar ng Bayan to walk out from their classes on Friday, February 27,” himok ni PUP Student Regent Neill Macuha. “On this day, the lesson we have to learn is not inside the four corners of our classrooms but out on the streets. This February 27, let us learn the value of collective action: the more voices that speak out against this regime, the stronger the voice of dissent would become,” sabi naman ni PUP Student Regent Alexis Tiotangco. Inihayag din ng Youth Act Now na sasali sila sa human chain na gagawin sa pagdiriwang ng ika-29 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution bukas, Pebrero 25. Mac Cabreros TOKYO (AP) — Pansamantalang ipinagbawal ng North Korean authorities na pumasok sa bansa ang mga turista na dadayo sa Pyongyang marathon, isang sikat na tourist event, dahil sa umiiral na Ebola travel restrictions, sinabi kahapon ng tagapamuno ng isang travel agency. Ayon kay Nick Bonner, cofounder ng Beijing-based Koryo Tours, mahigit 400 dayuhang runner ang nagrehistro sa agency para sa event, na idaraos sa Abril 12. Aniya, inabisuhan siya kahapon ng mga opisyal na tanging mga lokal na runner lang ang maaaring lumahok sa marathon. Somalian extremists, hinimok atakehin ang malls JOHANNESBURG (AP) - Sa pamamagitan ng isang video, hinimok ng al-Qaida-linked rebel group na alShabab ng Somalia ang mga Muslim na atakehin ang mga shopping mall sa United States, Canada, Britain at iba pang Western countries. Ayon sa mga awtoridad, “no credible” na ebidensiya sa nasabing planong pag-atake sa mga shopping mall sa Amerika. Napanood ang nasabing pagbabanta sa mga huling minuto ng mahigit isang oras na video na inilabas noong Sabado, na rito ay nagbanta rin ang grupo sa Kenya sa mas maraming pag-atake na gaya noong Setyembre 2013, sa Westgate Mall sa Nairobi, na 67 katao ang pinatay. Bangladesh ferry, tumaob; 66 patay DHAKA (Reuters) – Patay ang 66 na pasahero ng isang barko na may sakay na 150 pasahero at crew matapos bumangga sa isang trawler sa Bangladesh noong Linggo sa gitnang Bangladesh, ayon sa pulisya. Nailigtas ng mga rescuer ang halos 50 pasahero at patuloy ang paghahanap sa mga nawawalang pasahero, sinabi ng regional police official na si Harun-ur Rashid sa Reuters kahapon. 4 martes, pebrero 24, 2015 balita ‘Pinas, ikalawa sa pinakamaraming nagyoyosi sa ASEAN Ni CHITO A. CHAVEZ Pilipinas pa rin ang ikalawang pinakamalaking kumokonsumo ng sigarilyo sa Southeast Asia sa kabila ng pagpapatupad ng Sin Tax Law noong 2012 na nagtatakda ng mas mataas na buwis sa sigarilyo, kaya naman labis na tumaas ang presyo nito. Ayon kay Emer Rojas, pangulo ng New Vois Association of the Philippines (NVAP), marami pa ring naninigarilyo sa bansa dahil pinalitan na ng kabataan ang mga adult smoker. Ang Pilipinas ang ikalawang pinakamalaking tobacco consumer sa ASEAN kasunod ng Indonesia, at may 17.3 milyong Pinoy ang naninigarilyo, na karamihan ay nagsimula sa bisyo sa murang edad. Dahil dito, iginiit ni Roxas na ang mga graphic warning, gaya ng mga litrato ng masamang epekto ng paninigarilyo sa mga pakete ng sigarilyo, ay makatutulong sa pagkumbinse sa mga naninigarilyo na tigilan na ang bisyo. “Over the years we have seen how tobacco companies increase their presence in Southeast Asia as it becomes more difficult for them to market their products in high-income regions. A big part of their strategy is to target the youth as replacement smokers for adults who fall ill and die of this habit,” ani Rojas. Ayon sa Global Youth Tobacco Survey (GYTS), mahigit isa sa apat na Pinoy na edad 13-15 ay naninigarilyo; 17.5 porsiyento sa mga ito ay babae at 28.3 porsiyento ay lalaki. Samantala, 55 porsiyento ng kabataang Pinoy ang lantad sa secondhand smoke sa bahay habang 65 porsiyento ang nakakukuha nito sa mga pampublikong lugar. MAGKAISA! Para sa selebrasyon ng ika-29 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong Martes, nagkabit kahapon ang obrero ng maliliit na watawat sa dambana ng mapayapang rebolusyon noong 1986 sa EDSA sa Quezon City. MARK BALMORES Revilla mula sa detention compound noong Valentine’s Day, Pebrero 14, upang bisitahin si Enrile, na may kaarawan ng araw na iyon. Sina Enrile, Revilla at Sen. Jose “Jinggoy” Estrada ay pawang nakakulong sa PNP headquarters dahil sa pagkakasangkot nila sa P10-bilyon pork barrel fund scam. Dakong 3:00 ng hapon ng nasabing araw, ayon kay Revilla, ay isinugod siya sa PNP General Hospital makaraan niyang magpawis nang malamig, makaramdam ng paninigas at pananakit ng leeg, batok at likod, at matinding migraine attack. “It appeared that I had a spike in my blood pressure,” aniya. “I was taken to the hospital by Custodial Center Guards after a written request was made to Col. Fabro, the Director of the Custodial Center. I was accompanied by my two children, Bryan and Vice Gov. Jolo,” dagdag ng senador. Sinabi ni Revilla na maging ang PNP ay nilinaw na ang isyu. “I stayed in the hospital for less than 30 minutes and I was immediately taken back to my detention cell to rest, after my blood pressure was taken and injected with medication,” sabi niya. “It is not true that I was at the hospital to visit Senator Juan Ponce Enrile. I did not go to his room as I did not even know where that was,” diin ni Revilla. Hannah L. Torregoza Pulis na massacre suspect, pinagbantaan ng kapwa akusado Isa sa mga pulis na dawit sa Maguindanao massacre ang nakararanas ng alta-presyon matapos umanong pagbantaan ng kapwa niya akusado sa multiple murder case. Simula nang ilipat sa Quezon City Jail-Annex sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, sinabi ni PO1 Pia Kamidon na lumala na ang kanyang kondisyon dahil sa pagtaas ng kanyang blood pressure bunsod ng pagbabanta ng isa pang suspek sa karumal-dumal na krimen na si Takpan Dilun. Disyembre 21, 2014 nang isinugod si Kamidon sa infirmary ng QCJA Argentinian president Pebrero 24, 1946 nang mahalal bilang presidente ng Argentina ang dating army officer na si Juan Domingo Peron (1895-1974). Taong 1943 nang lumahok si Peron sa military coup na layuning tuldukan ang walang silbing gobyerno ng nasabing bansa. Sa sumunod na taon ay naging war minister at bise presidente siya. Oktubre 17, 1945, sa kanyang talumpati na sinaksihan ng 300,000 katao ay ipinangako niya ang tagumpay sa gaganaping presidential polls. Sa ilalim ng kanyang pamamahala, ipinursige ni Peron ang self-sufficiency ng Argentina at nagtatag ng isang alyansa. Taong 1955 nang mapatalsik siya sa puwesto sa pamamagitan ng military coup. Pagsapit ng 1973 ay muli siyang nahalal bilang presidente ng Argentina. Makalipas ang isang taon, pumanaw siya at hinalinhan ng ikatlo niyang asawa na si Isabel de Martinez Peron. PDEA: 46 porsiyento ng kaso vs drug suspects, napawalang-sala Hindi ako pumuslit sa piitan—Bong Revilla Itinanggi noong Linggo ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. ang mga ulat na pumuslit siya mula sa kulungan noong Valentine’s Day at binisita si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, base sa akusasyon ng tatlong state prosecutors. Sa pahayag na ipinadala ng kanyang kampo sa pamamagitan ng email, sinabi ni Revilla na isinugod siya sa Philippine National Police (PNP) General Hospital makaraang tumaas ang kanyang blood pressure. “Reports that I was sneaked out by PNP personnel from the Custodial Center are absolutely false,” pahayag ni Revilla. Una nang napaulat na umalis si Balitang Cute dahil sa alta-presyon at nanatili sa ospital ng anim na araw. Una nang inihayag ni Kamidon ang kanyang intensiyon na maging state witness sa kaso. Sa tatlong-pahinang very urgent motion na inihain ni Atty. Jayson Jay Parra Ison, hiniling ng kampo ni Kamidon kay QC Regional Trial Court (RTC) Branch 221 Jocelyn Solis-Reyes na payagan siyang manatili sa ospital sa QCJA hanggang hindi nareresolba ng korte ang hiling niyang mailipat sa Philippine National Police-Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City. Una nang ipinag-utos ni Reyes ang paglipat nina Kamidon at Dilun sa Camp Bagong Diwa matapos mawalan ng interes ang gobyerno na gamitin sila bilang prosecution witness. Sa kanyang apela, sinabi ni Kamidon na malaki ang posibilidad na saktan siya ng kanyang kapwaakusado dahil tumetestigo siya laban dito. Kabilang si Kamidon sa mga akusado na pinayagan ng korte na makapagpiyansa ng P11.6 milyon subalit iginiit ng kampo ng dating pulis na wala siyang kakayahan na bayaran ang naturang halaga. Chito Chavez Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na tumaas ng halos 62 porsiyento ang bilang ng mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga na isinampa sa korte noong 2014 kumpara noong 2013. Base sa consolidated report ng PDEA, iniulat ng ahensiya na umabot sa 17,074 na drug case ang inihain sa iba’t ibang korte sa bansa noong 2014 kumpara sa 10,502 noong 2013. Simula nang itatag ang PDEA noong 2002 hanggang 2014, umabot na sa 106,092 ang kabuuang bilang ng mga kaso sa droga na naisampa sa mga korte, at 19,585 kaso o 18.46 na porsiyento mula sa kabuuang bilang ang nadesisyunan na ng hukuman. Mula sa mga nadesisyunang kaso, 5,265 o 27 porsiyento ang may nasentensiyahan; 9,051 o 46 na porsiyento ang napawalang-sala ang mga suspek; at 5,269 o 27 porsiyento ang ibinasura ng korte. Ang natitirang bilang ng mga kasong naihain ay hindi pa nareresolba o nakabimbin pa rin sa mga korte, provisionally dismissed o inaamag na sa archive. “I refused to get discouraged by the low conviction rate arising from these drug cases. It all boils down to the preparation and filing of air-tight drug cases complemented by the prioritization of court duties by PDEA operatives, chemists and witnesses, to guarantee the prosecution of arrested drug personalities,” pahayag ni PDEA Director General Arturo G. Cacdac, Jr. Subalit iginiit ng PDEA chief na mayroon nang ikinasang mga internal support mechanism upang mapalakas ang kampanya ng ahensiya laban sa ilegal na droga tulad ng capability enhancement training upang makabuo ng “air tight case” ang kanyang mga tauhan laban sa mga gumagamit at nagtutulak ng mga ipinagbabawal na gamot. Francis Wakefield Pebrero 25: Walang klase, may trabaho Kailangang pumasok sa kanikanilang pinagtatrabahuhan ang mga kawani sa pribado at pampublikong kumpanya bukas, Pebrero 25, sa paggunita ng ika-29 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, ayon sa Malacañang. Nilinaw ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. na ang Pebrero 25 ay special holiday para lang sa mga paaralan sa bansa at mananatiling isang working day para sa mga empleyado. “Batay sa Proclamation No. 831 na inilabas noon pang Hulyo 2014, ang darating na ika-25 ng Pebrero ay may pasok para sa lahat. Ang holiday o walang pasok ay para lamang sa lahat ng mga mag-aaral o estudyante ,” pahayag ni Coloma. “‘Yon po ang paglilinaw natin, ‘yon po ay school holiday lang po, hindi apektado ang trabaho sa February 25. Regular working day po ‘yon,” dagdag niya. Sa pagdedeklara sa EDSA Day bilang school holiday, sa bisa ng Proclamation No. 831, ipinagmalaki ng Pangulo ang bloodless revolution na kinilala sa buong mundo matapos itong magbigay-daan sa reporma sa pulitika, panlipunan at ekonomiya sa bansa. Sa pamamagitan ng rebolusyon na sinuportahan ng milyung-milyong mamamayan, matatandaan na napatalsik ang 20-taong diktadurya ng rehimeng Marcos at naibalik ang demokrasya sa bansa. Ito rin ang pagkakataon na nailuklok sa puwesto si Pangulong Corazon C. Aquino, ang yumaong ina ni Pangulong Benigno S. Aquino III at maybahay ng napaslang na senador na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Genalyn D. Kabiling 5 balita martes, pebrero 24, 2015 Bahay, sinunog ni tatay; anak, patay Batang kinidnap, pinalaya ng Abu Sayyaf Pinalaya na ang pitong taong gulang na lalaki na dinukot ng Abu Sayyaf makaraan ang mahigit isang buwang pagkakabihag matapos na magbayad ng ransom ang pamilya ng paslit sa Sulu nitong Pebrero 20. Kinumpirma ng Joint Task Group Sulu (JTGS) na pinalaya na ang biktimang Grade 3 pupil at taga-Barangay Paligue, Indanan, Sulu. Ayon sa JTGS, dakong 5:00 ng hapon noong Enero 6 nang dinukot ng dalawang hindi nakilalang lalaki ang bata sa Bgy. Astorias, Jolo, Sulu habang naglalaro sa labas ng kanilang bahay. Hindi binanggit ng militar kung magkano ang ransom na binayaran ng pamilya ng biktima para sa pagpapalaya rito. Fer Taboy Bangkay ng babae, natagpuan sa highway TAAL, Batangas – Natagpuan noong Linggo na wala nang buhay at may sugat sa ulo ang isang babae na hindi pa nakikilala ng pulisya sa Taal, Batangas. Ayon sa report ni PO2 Joseph Catapang, dakong 12:15 ng tanghali nang matuklasan ang bangkay na nakahandusay sa tabing kalsada ng Barangay Tulo sa Taal. Inilarawan ang biktima na nasa 25 taong gulang, may taas na 5’, nakasuot ng maong pants, pink long sleeves at pulang sandals. Iniimbestigahan pa ng pulisya ang pagkamatay ng biktima, na kinilala pa. Lyka Manalo HISTORICAL SITES Ginamit ng mga Pinoy artist, sa pangunguna ni Benedicto Cabrera, ang anim na makasaysayang lugar sa Ilocos Sur sa isang mural painting sa Hotel Luna, ang nag-iisang hotel museum sa bansa. FREDDIE G. LAZARO ‘Tulak’, arestado sa buy-bust GERONA, Tarlac - Muli na namang nakaaresto ng hinihinalang drug pusher ang mga kasapi ng tracker team ng Gerona Police, sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Poblacion 3 sa Gerona, Tarlac. Kinilala ni PO2 Artem Balagtas ang naarestong si Richard Domingo, 35, ng Bgy. Tagumbao, Gerona, na sinasabing nasa drug watch list ng Gerona. Nakumpiska mula sa kanya ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hindi pa matiyak na gramo ng shabu at P500 marked money. Habang iniimbestigahan, muling nakakuha mula kay Domingo ng dalawang transparent plastic sachet na may 0.4 gramo ng nasabing droga. Leandro Alborote Irrigation project sa Aurora, kinansela CABANATUAN CITY - Dahil sa matinding problema sa right-of-way (ROW), kinansela na ng National Irrigation Administration (NIA) ang P10-milyon irrigation project sa Dingalan, Aurora. Ayon kay Angelito Miguel, manager ng NIA-Bulacan, Nueva Ecija (BANE) Division, ini-realign nila ang budget para sa Umiray irrigation project kahit na nga nai-award pa ito sa contractor na nanalo sa bidding. Nabigo ang proyekto makaraang hindi makasundo sa ROW si Atty. Romeo Roxas, ang may-ari ng lupa na saklaw ng konstruksiyon para sa proyekto. Sinabi pa ni Miguel na ang inaasahan pa namang sa pamamagitan ng proyekto ay mapagkakalooban ng irigasyon ang may 100-ektaryang bukirin at makikinabang dito ang mahigit 50 magsasaka. Light A. Nolasco Ni FER TABOY Isang bata ang namatay makaraang hindi makalabas sa kanilang bahay na sinunog umano ng sarili niyang ama sa Barotac Nuevo, Iloilo noong Linggo ng gabi. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nangyari ang sunog sa Barangay Cabilawan, Barotac Nuevo. Hindi kinilala ng BFP ang walongtaong gulang na biktima na nagtamo ng third degree burns at namatay habang ginagamot sa Western Visayas Medical Center. Lumitaw sa imbestigasyon ng BFP-Arson Division na ang mismong ama ng biktima, na nakilala lang sa pangalang Wenceslao, 48, ang suspek sa insidente. Nabatid na lasing umano ang suspek nang sipain nito ang gasera hanggang sa sumiklab ang malaking apoy na tuluyang tumupok sa buong bahay. Nagawa namang makalabas ng bahay ng mga kapatid ng biktima, na noon ay himbing na natutulog. Napag-alaman na hiniwalayan ng asawa ang suspek dahil madalas umano itong saktan ng suspek kapag nalalasing. Nakapiit na sa himpilan ng Barotac Nuevo Municipal Police ang suspek at inihahanda na ang kasong arson laban dito. Pamilya Laude, hinding-hindi makikipag-areglo kay Pemberton OLONGAPO CITY – Mariing sinabi kahapon ng kampo ng pinaslang na transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude na hindi sila makikipagareglo para mapawalang-sala si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton. Sa arraignment ni Pemberton, 19, kahapon sa Olongapo City Hall of Justice, sinabi ni Atty. Harry Roque Jr. na sumisigaw ng hustisya ang mga kapatid ni Laude. Hindi naghain ng plea si Pemberton para sa kasong murder, kaya naman si Judge Roline Ginez-Jabalde ang naghain ng “not guilty” plea para sa Amerikanong sundalo. Minarkahan din ang mga ebidensiya pagkatapos ng arraignment. Ayon kay Roque, itinakda ni Jabalde sa Biyernes ang pretrial na rito ipiprisinta ang mga testigo ng magkabilang panig. Sa ikatlong linggo naman ng Marso, aniya, sisimulan ang paglilitis, na gagawin tuwing Lunes at Martes. Jonas Reyes KALABOSO Suot ang maskara ng mukha ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, nagsagawa ng kilosprotesta ang militanteng grupo sa labas ng Olongapo City Hall of Justice habang isinasagawa kahapon ang arraignment sa dayuhang sundalo na suspek sa pagpatay sa transgender na si Jeffrey Laude. JONAS REYES 5-anyos, minolestiya ng 5 kalaro CAMP MACABULOS, Tarlac City – Isang limang taong gulang na babae ang napaulat na minolestiya ng limang binatilyo na kanyang kapitbahay sa Barangay Mabilog sa Tarlac City, noong Linggo ng gabi. Ang limang suspek ay edad 10, 11, 13 at 14, pawang residente sa nasabing lugar. Dakong 4:00 ng hapon habang nakikipaglaro ang biktima sa limang binatilyo ay napagtripan umano ng mga ito na daliriin ang bata. Ayon sa report, nagdugo ang biktima na labis na ikinabahala ng kanyang mga magulang kaya inireport ang insidente sa mga opisyal ng Bgy. Mabilog. Nagsisiyasat na ang pulisya sa insidente. Leandro Alborote AYOS BA? Sinisiguro ng obrero ang disenyo ng bagong gawang bangka na gagamitin sa pangingisda sa Dasol, Pangasinan. Ginagamit ang mga ganitong bangka sa malalalim na karagatan at may maglayag hanggang sa distansiya ng Scarborough shores. JOJO RIÑOZA 6 i Opinyon INDEPENDENCE DAY OF ESTONIA PiNaGDiRiWaNG ngayon ng Estoniya ang kanilang National Day na kilala bilang Eesti Vabariigi Aastapaev in wikang Estonian. Kabilang sa selebrasyon ngayon ang mga party, palaro, parada ng Estonian Defense Forces, at fireworks. Sa isang masayang independence Day reception kung saan bibigyan ng parangal ng estado ang piling mamamayan na karaniwang inoorganisa ng Pangulong Estonia. isang estado sa baltic Region, ang Estonia ay nasa hangganan sa kanluran ng baltic Sea, sa hilaga ang Gulf of Finland, sa silangan ang Russian Federation, at sa timog ang Latvia. ang gobyerno ay democratic parliamentary republic at ang bansa ay nahahati sa 15 bansa. Sa populasyon na mahigit 1.34 milyon, ang Estonia ay isa sa kakaunting bilang ng mamamayan na miyembro ng European union. tallin ang kapital ng bansa at pinakamalaking lungsod. ang Estonia ay miyembro ng iba’t ibang international organization, kabilang ang united Nations, ang European union, ang Organization for Security and Cooperation in Europe, at ang North atlantic treaty Organization. Kilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahigpit na kaugnayan sa mga bansang Nordic, partikular na ang Finland at Sweden. inilalarawan bilang baltic tiger dahil sa palagian nitong pagkakaroon ng mataas na paglago ng ekonomiya, ang Estoniya ay itinuturing ng World bank bilang isang high-income country. Noong 2014, iniranggo ang bansa bilang ika11 sa index of Economic Freedom at ikaapat sa pinakamalalayang ekonomiya sa Europe. ang economic growth ng Estonia ay nasa 2.7% sa last quarter ng 2014. ang mahalagang tagaambag sa paglagong ito ay ang manufacturing, ang pinakamalaking aktibidad sa ekonomiya ng Estonia. ang paggawa ng kahoy at electronics ang sumasaklaw sa pinakamalaking positibong kontribusyon sa pagdami ng manufacturing. binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Estonia sa pangunguna nina Pangulong toomas Hendrik ilves at Prime Minister taavi Rõivas, sa okasyon ng kanilang independence Day. martes, pebrero 24, 2015 balita EDITORIAL ISANTABI MUNA ANG USAPANG ELEKSIYON M abuti na lamang na umatras si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kanyang pahayag noong nakaraang linggo na siya “could run for president… if only to save this country from being fractured.” Sa sumunod na araw, aniya hindi na siya tatagpo sa panguluhan, idinahilan ang kanyang edad, ang marami niyang taon sa paglilingkod sa gobyerno, ang kakapusan niya ng salapi para sa pangangampanya. Sa panahon ngayon na ginigiyagis ang bansa ng Mamasapano incident, maaari ngang hindi angkop ang pag-usapan ang pagtakbo sa panguluhan. Marami pang bagay ang kailangang mabigyang-linaw sa idinaraos na mga imbestigasyon – partikular ang kabiguan ng mga rescuer na dumating sa takdang oras na maaaring naiwasan ang maraming kamatayan. Mayroon ding suliranin na ang panukalang bangsamoro basic Law (bbL) ay maaaring masira ng masaker. at may usap-usapan sa ilang mga grupo na nananawagan sa pagbabago ng liderato. Hanggang hindi nareresolba ang mga isyung ito, mas mainam na isantabi muna ang anomang usapan sa pulitika at eleksiyon. Mayroon pang 14 na buwan na daraan bago ang presidential elections sa Mayo 2016. Gayunman, dapat alam ni Mayor Duterte at ng lahat na nananabik sa halalan na kahit ngayon, pinagmamasdan sila ng taumbayan. ang mga mata ng botante ay nakatutok sa mga nagpahayag na ng kani-kanilang intensiyon na tumakbo sa panguluhan, tulad ni Secretary Mar Roxas ng administrasyong Liberal Party, at Vice President Jejomar binay ng oposisyong united National alliance. Walang dudang sinisipat din ng mga botante ang iba pang posibilidad, tulad ni Mayor Joseph Estrada, at, oo, si Mayor Duterte. ang mga sinasabi at ginagawa ng lahat ng posibleng aspirante sa pagkapangulo kaugnay ng Mamasapano incident ay tiyak na ikokonsidera rin. at kapag dumating na ang oras, maaalala ang mga ito at maaaring maging kritikal na bahagi ng 2016 election campaign. Kaya ituon ang ating atensiyon sa ngayon sa pagresolba ng lahat ng isyu sa Mamasapano incident, itong pinakasawimpalad na kabanata sa ating pambansang buhay, at ang kasabay na isyu ng bangsamoro Entity. ang nagaganap na pagsisiyasat, lalo na ng PNP board of inquiry at ng Senado, ay magdudulot ng mga kasagutan sa ating mga tanong kalaunan. at pagkatapos, saka pa lamang tayo makauusad sa ating iba pang pambansang suliranin. at saka pa lamang sa 2016 presidential elections. Opinyon balita martes, pebrero 24, 2015 NEWSKOPO BULONG AT SIGAW 7 SANDALI LANG SENTIDO KOMUN SOUTH RAILWAY PROJECT, APRUBADO NA PANGGULO LANG KAPAG NAUBOS NA ANG PERA MO REHABILITASYON Eddie Damian Ric Valmonte Vivi Patron Celo Lagmay TULUY-TULOY NA ASENSO ● Kaunlarang walang patlang sa Bicol Region at iba pang bahagi ng luzon ang kaakibat ng P104 bilyong South Railway project na inaprubahan na kamakailan ng National Economic Development authority (NEDa). ang masipag at matalinong si albay gov. Joey Salcedo ang nagsusulong ng naturang proyekto, bilang chairman ng Regional Development Council (RDC) at ng the luzon area Development Coordinating Council (laDCC). ang 653-kilometrong South Railway na mula Manila hanggang legazpi City sa albay ay bahagi ng P117.3 bilyong North-South Commuter Railway project at P170 bilyong North-South Railway Project na nasa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) scheme. Matapos ang mahabang pakikipag-ugnayan ni Salceda sa PPP Center, Department of Transportation and Communication (DOTC), NEDa at Philippine National Railways, nabigyan din ng prioridad ang proyekto. *** MAS MASIGLANG TURISMO ● ayon kay Salceda, napakahalaga ng South Railway project sa Kabikulan dahil mapapasigla nito ang rural tourism, mapalalakas ang kakayahang makipagtagisan ng galing ang Bicol labor, at magkakaroon ng multi-modal transport means upang lalong lumawak ang distribusyon ng mga produkto ng Bicol sa buong luzon at iba pang rehiyon. layunin din ng North-South luzon Railways plan na buhayin uli ang dating Manila-albay rail route na ang balangkas ay ipinanukala ng Bicol RDC na pinamumunuan ni Salceda na isang economist. Katuwang sa pagsusulong nito ang laDCC na si Salceda rin ang chairman. Saklaw ng laDCC ang 38 lalawigan at 771 lungsod at bayan sa luzon. *** NABUBUKOD-TANGI ● Kinatigan naman nina DOTC Sec. abaya, Planning Sec. Balisacan at PMS Sec. almendras sa kanilang mga pagpupulong ang panukala ni Salceda na sadyang kailangan ang railway program sa pambansang pangkaunlarang agenda ng bansa. Kay Salceda ibinibigay ang kredito sa pag-unlad ng buong Bicol Region na sa kabila ng malimit itong bayuhin ng mga bagyo at kalamidad, ay lumago ang ekonomiya ng 9.4% noong 2013, higit na mataas pa sa 9.1% ng Metro Manila. l UMalaKaS ang kilusang nananawagang magbitiw na si Pangulong Noynoy. Nagsamasama na naman ang mga civil society group, militanteng grupo at ilang mga taga-Simbahan sa layuning ito. ang tiyuhin ng Pangulo na si Peping Cojuangco ay nais rin ang pagbabago ng liderato sa ating gobyerno, pero hindi sa publiko niyang sinasabi na siya ay para rin sa pagbibitiw ng kanyang pamangkin. Kapag pinagre-resign natin ang Pangulo, wika niya, ang pinaguusapan natin dito ay pagbabago ng rehimen. Hindi lang aniya ang Pangulo ang magbibitiw kundi maging si VP Binay at iba pang mga opisyal. Ipinagdiinan niya na ito ay hindi kilusan para sa kudeta. Walang sinasabing ganito ang mga maingay na nananawagang magbitiw na ang Pangulo. Pinagbibitiw nila ito dahil pinapanagot siya sa nangyaring “Operation Exodus” na ikinamatay ng 44 na SaF trooper. Sa pakiwari ko ay may nararamdaman na ang Palasyo na paggalaw mula sa hanay ng militar. Kung wala, bakit malikot nang umiikot sa mga kampo si gen. Catapang? Bakit sa panahong ito ay kailangang ipakita sa bayan ng mga pinuno ng mga pulis at sundalo na sila ay nagkakaisa? ano ang layunin ng homecoming ng mga nagtapos sa Philippine Military academy? alangan namang kumustahan lang ng mga Mistah ang naganap dito. Mahirap iugma ang layuning ito sa masakit na naramdaman hindi lamang ng mga kamag-anak ng mga namatay na pulis kundi maging mga pulis at sundalo, opisyal man o hindi, nasa serbisyo man o retirado, na ang sanhi ng kanilang kamatayan ay walang paggalang na sa kanilang kaligtasan at sa chain of command. Kahit sino ay puwedeng mamuno na sa madugong operasyon na walang pakialam sa kapwa niya na nasa serbisyo. Kahit suspendido ay puwedeng ipagkatiwala sa kanyang kamay ang buhay ng kahit sino basta malapit lang sa Pangulo. Kaya ang namumuong kilusan sa pagkadismaya ng mga pulis at militar sa Pangulo ay inililigaw lamang ni Cojuangco. Kahit sino ay alam naman na ang kanyang ninanais ay hindi mangyayari. Panggulo lang ito. M MABUTING BALITA Is 55:10-11 ● Slm 34 ● Mt 6:7-15 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Kapag mananalangin kayo, huwag kayong magsalita nang magsalita gaya ng ginagawa ng mga pagano. alam ng inyong ama ang mga pangangailangan ninkyo bago pa man kayo humingi. ganito kayo mananalangin: ‘ama naming nasa langit, sambahin ang Ngalan mo, dumating ang kaharian mo, sundin ang loob mo sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa arawaraw. Patawarin mo ang aming mga pagkakasala gaya ng pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. Huwag mo kaming dalhin sa tukso at iligtas mo kami sa Masamâ.’ Kung patatawarnin ninyo ang mga nagkasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong ama na nasa langit.” PagSaSaDIWa Kung patatawarin ninyo ang mga nagkasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa Langit. ● Nakapaloob sa “ama Namin” ang paghingi ng tawad at pagpapatawad sa kasalanan. Kung paanong pinatatawad tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan, gayundin naman, dapat rin tayong magpatawad sa nagkakasala sa atin. ang pagpapatawad ng Diyos ay walang kundisyon; ito ay disposisyon ng isang ama na laging handang magpatawad, gaano man kalaki ang ating pagkakasala. gayon din sana tayo: nagpapatawad nang walang kondisyon sa nagkasala sa atin. Nagpapatawad sa nagkasala ang isang Kristiyano. “SIMBAHAY 2015” ST. PAULS Philippines, 7708 St. Paul Rd., San Antonio Village, 1230 Makati City, Tel. No. 895-9701; FAX: 895-7328; Email: books@ stpauls.ph; Website: http://www.stpauls.ph. ay pera ka ba? Kapag itinanong mo ito kahit kanino, maaaring bigyang ka ng dalawang sagot: ang “Bakit?” at “Wala”. Malamang din na hindi ka makaririnig ng sagot na “Oo” at “Meron”. Kung gayon, masasabi natin na ang higit na nakararami sa atin ay walang pera. Kung may katotohanan man ito o hindi, nasa iyo na kung maniniwala ka. Ngunit kung totoo ngang wala kang pera, malamang na wala kang trabaho o kung may trabaho ka man, hindi sapat ang iyong sinasahod o talagang hindi ka lang marunong humawak ng pera. May kinalaman iyon sa iyong pagdedesisyon sa larangan ng pananalapi. Sa totoo lang, mahinap magdesisyon kung kakaunti ang iyong pera. Ngunit kung talagang wala pera ang isang tao, may ilang habits na lalong nagpapalala sa situwasyon. Narito ang ilang pagkakamali na ginagawa natin kung minsan kapag wala tayong pera: ● Ginagastos mo agad ang perang kapapasok lang sa bulsa. – Madaling idahilan na “ang tagal ko nang walang pera kaya ibo-blowout ko naman ang aking sarili”. at kapag malaki ang perang tinanggap – mula sa tax refund o company bonus – agad-agad na nagtutungo kung minsan tayo sa mall o sa shopping center at nilulustay natin ang perang iyon sa halip na pantustos sa mga praktikal na bagay o ihulog sa bangko. Hindi ito ang tamang gawi tungo sa malaking perang natanggap. ● Pagbili-bili ng maliliit na items. – Kapag wala kang pera, ang maliliit na amount ay mahalaga. ang bawat pagpunta mo sa tindahan o sa convenience store para bumili ng sitsirya, halimbawa, ay lumalaki rin ang iyong ginagastos kapag sinuma mo. Siyempre mas mahal ang items sa convenience store kaysa sari-sari store. ● Ang mangutang. – Isa sa mga hindi mo gagawin kapag wala kang pera ay ang mangutang. Kung maliit ang iyong suweldo, mas mahirap magbayad ng utang (lalo na sa credit card). Bibigyan mo lang ng malaking problema ang iyong sarili kapag nangutang ka na wala ka namang ibabayad. Iwasan mo ring kumagat sa mga alok ng mga nagpapautang dahil kung susumahin mo ang iyong ibinabayad na interes, halos doble ang iyong ibinabayad. Sundan bukas. W alaNg hindi hahanga sa matatag na determinasyon ng mga bilanggo na hindi nagbabago ang pagka-uhaw sa edukasyon habang pinagdudusahan ang parusa sa kanilang pagkakasala. Isipin na lamang na sa Bataan provincial jail, tatlong inmate ang tumanggap ng mga diploma kaugnay ng kanilang pagtatapos sa skills education program na ipinatupad ng Bureau of Jail Management ang Penology (BJMP) sa pakikipagtulungan ng Bataan Peninsula State University (BPSU). Maging ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City ay maraming pagkakataon na naging eksena rin ng makabuluhang graduation rites dahil sa pagtatapos ng mga bilanggo sa iba’t ibang kurso. Kung hindi ako nagkakamali, ang naturang education program ay itinaguyod naman ng Perpetual University; ang mga klase sa iba’t ibang asignatura ay isinagawa sa loob mismo ng bilangguan. ang nabanggit na mga pagsisikap ay isang panggising sa mga nangangasiwa ng mga provincial at municipal jail sa buong kapuluan upang hikayatin ang mga bilanggo na mag-aral ng technical at vocational courses; hindi nila namamalayan na tapos na ang pagsisilbi sa kanilang sentensiya ay tapos na rin ang kanilang pag-aaral. Bunga nito, tiyak na sila ay maipagkakapuri ng lipunan sa kanilang paglaya; at magiging madali ang paghahanap ng ikabubuhay dahil sa kanilang napag-aralan. ganito ang dapat mangyari sa napipintong paglilipat ng NBP sa laur, Nueva Ecija. Sa halos 500 ektaryang pagtatayuan ng bagong bilangguan, mainam na maging bahagi ng programa ang pagtatayo ng paaralan para sa iba’t ibang kurso na angkop sa mga bilanggo. Hindi lamang ang mga academic courses ang dapat ituro kundi maging ang hinggil sa handicraft at livelihood projects na madaling pagkakitaan. Kasabay nito ang pagtatayo ng isang dalanginan para sa iba’t ibang relihiyon. Ikalulugod ng mga bilanggo ang isang lugar na magiging dulugan ng kanilang pagsisisi, lalo na ang mga inmates na nagkasala lamang dahil sa matinding silakbo ng damdamin. ang rehabilitasyon ay hindi lamang tungkol sa pagkakakitaan kundi maging sa rehabilitasyon sa isip at sa puso. INTERESADO KAMING BUMILI NG CORNER LAND NA MAY GUSALI SA METRO MANILA AT SA MGA PROBINSIYA NA ANGKOP PARA SA MANILA BULLETIN BRANCHES, MAGPADALA LAMANG NG INYONG OFFER SA MANILA BULLETIN, P.O. BOX 769, MANILA 8 BALITA MARTES, PEBRERO 24, 2015 Sh DINDO M. BALARES, EDITOR NAGLILIWALlW SA EUROPE Jasmine lit Sam~ tllIU) nagitahlwQ1Q1 Ni REGGEE BONOAN B INULABOG ni Daniel Padilla ang Market Market mall sa Taguig City noong Linggo ng hapon para sa Lily's Peanut Butterrrific Funday Sunday Inter-school event na si Chef Boy Logro ng GMA 7 ang special guest. Maganda ang promo campaign na ito ng Lily's Peanut Butter dahil isinasama nila ang mga estudyanteng kumukuha ng culinary course sa pagdiskubre ng mga lutuin na puwedeng isama bilang ingredients ang nasabing produkto. Kasama ni Daniel bilang endorser ng Lily's Peanut Butter ang inang si Karla Estrada pero hindi nakarating dahil kasalukuyan itong naglilibot sa Europa. "Wala si Mama, namamasyal sa Europe kasama ang friends niya, mapera na si Mama, businesswoman 'yun," pambubuko ng aktor nang makatsikahan namin ilang saglit bago umakyat sa stage para kumanta. Nagpapasalamat si Daniel sa lahat ng tumatangkilik sa lahat ng projects nila ni Kathryn Bernardo katulad ng pelikulang ipalalabas na bukas (Miyerkules), ang Crazy Beautiful You at sa lahat ng endorsements niya na talagang binibili ng supporters nila. Samantala, bago kami nakapasok sa standby area ng aktor sa ilalim ng stage ng Market Market ay katakuttakot na paghihintay ang inabot ng entertainment press dahil sobrang higpit ng namamahala sa production at ipinaiiwan pa ang mga bag namin dahil may nanggulo raw na fan. Kaya nagkaroon pa ng sagutan sa pagitanngmgakatoto atsamga taong namamahala sa production dahil akala nila ay makiki-meet and greet rin kami. "Pasensiya na po, hindi kami nainform na press kayo, akala namin fans kayo," sabi ng humawak ng event. Hanggang sa pinatuloy na kami pero bigla namang pinutol ang pila namin dahil hindi raw puwedeng sabay-sabay ang pagpasok sa kuwarto ni Daniel. Nakakaloka, Bossing DMB, hindi organized at hindi na-brief ang mga taong humawak ng event at nagtuturuan pa kung ana ang gagawin nila. First time ba nilang humawak ng event ng malaking artista kaya pati sila ay nawiwindang at stars struck kay Daniel Padilla? Nakakairita lang dahil sa rami na ng events sa mall na pinuntahan namin ay itong event ng Lily's Peanut Butter ang pinakamagulo kasi nga hindi organisado ang mga taong kinuha para sa event, parang mga baguhan. Puring-puri pa naman namin ang mga may-ari ng Lily's Peanut Butter na sina Mr. and Mrs. Pua dahil nakapa-warm nila sa launching ng produkto para kina Karla at Daniel. At higit sa lahat paborito namin noon pang bata kami ang Lily's Peanut Butter dahil ito lang naman ang usong peanut butter noon bukod sa nabibiling tingi-tingi, bukod pa sa hinahalo ito sa karekare. At dahil marami nang variants ngayon ang Lily's Peanut Butter tulad ng Choco-Peanut Butter, Coco Jam, Aroma Peanut Butter, Seagul Jelly Gem Ice pops ay marami nang mapagpipilian ngayon ang loyal customers nito. FEELING SUPERSTAR ~ "DON'T talk to me! Don't touch me!" Ito raw ang mga katagang parating sinasabi ng kilalang aktor kapag may ayaw siya sa nangyayari 0 hindi niya gusto ang taong kausap niya. Hindi lang iisa 0 dalawang tao ang nagsabi nita sa amin, noon pa, pero hindi namin pinansin kasi baka ginagawan lang ng isyu ang kilalang aktor. Pero nitong halos buong team 0 production na ang nagkukuwento, sumabay pa ang mga direktor na nakatrabaho na rin ng aktor, ay saka lang kami naniwala na totoo nga, hindi pala charos lang. "Naku, Reggee, ugali na niya talaga 'yan gusto niya siya ang tama parati, gusto niya siya ang masusunod, gusto niya bida siya, ayaw niya ng second lead, ayaw niya ng napagsasabihan. Feeling superstar siya. Kaya maraming galit sa kanya," kuwento sa amin ng nakatrabaho na ng kilalang aktor. Dagdag pa ng spy namin, wala na lang daw magawa ang production people kapag ang kilalang aktor ang kasama sa mga project nila dahil " AYA W lang sigur bungad sa amin Smith nang muli namin!, ng relasyon nila ni Sam' Nang isulat namin na ay inamin ng aming kau talaga at ayaw nilang me hindi na talaga, naghiw, katwiran sa amino Sa sinulat naming m, sina Sam at Jasmine ay, ayaw nila magsalita, per Dagdag pa, " Actually, kaya walang nagsalita, Feb. 14, pero kung wah 'yan lalaki." Nasa Amanpulo, Pal, Ate Anne Curtis niya DC "Tinanong kasi niJasrr birthday gift, eh, sabi ni j binayaran ni Jasmine an: ngayon 'til Wednesday ( Sa madaling salita hir siyang unang plano dan Move It Clash With The 51 "Hindi, Amanpulo laJ (sa Pilipinas)," sabi ng s( Inamin ng aming kau: Disyembre 2014 ang pin sa pagkakalabuan nila n "Malala na ang proble pa rin talaga to fix thing! "Good thing, busy si may shooting siya ng Me naman siya ng Decembe " Actually in pain pa ri nahahalata," kuwento Se Sa taping kasi ng pre siya at walang makikita niSam. "00 nga, hindi halatc Sooner or lat;er~ aug t;ot;oo --Sur. Ni JIMI ESCALA AHASANG itinanggi ni T Sunshine Cruz ang akusasyon sa kanya ng kampo ng dating asawang utos nga naman ng management. 00 nga naman, kaysa mawalan sila ng trabaho, e, di pagtiisan na lang nila si Kilalang Aktor na nagbibigay sa kanila ng work. "Hindi rin, titiisin ko ang ugali niya? Maraming raket na iba, mas gusto ko pang tumunganga kaysa katrabaho siya," katwiran sa amin ng taong ayaw na ayaw nang makatrabaho ang kilalang aktor. At may pahabol pa ang mga kausap namin, "Tino-tolerate kasi siya ng mga taong nakapaligid sa kanya kaya ganyan ang ugali niya." --Reggee Bonoan si Cesar Montano na may kinalaman siya sa unang paglabas sa media tungkol sa reklamong inihain niya sa ama ng kanyang tatlong anak. SabiniSunshine, walangnakaalam isa man sa mga taga-media tungkol sa inihain niyang reklamo na may kinalaman sa Violence Against Women and their Children (V AWC) dahil sa "kalaswaan" umanong ginawa ng aktor sa harapan ng kanyang tatlong anak na pawang mga babae .. "Sa totoo lang, Kuya Jimi, hindi ako at sa kampo ko nag-umpisang lumabas ang tungkol sa kasong 'yan," sey pa ni Sunshine sa amino Ipinakita niya ang write-up na lumabas sa Journal Online last Feb. 3 hinggil sa pagsasampa niya ng reklamo laban sa dating asawa na may banner na "Child abuse raps filed versus Cesar Montano" na isinulat ng isang Cory Martinez. "Ayan 'yung kauna-unahang article about the complaint. Hindi namin kilala ang writer na 'yan ... iyan kasi ang ibinibintang nila sa 'min na kami ang nag-leak ng complaint," sabi ng aktres. Dagdag pa ng isa sa stars ng Oh My G ng ABS-CBN, mismong February 3 sila naghain ng reklamo laban kay Cesar. Nalaman na lang daw niya na may lumabas na artikulo hinggil sa inihain niyang reklamo nang tumawag sa kanya ang asawa ni Bayani Agbayani. "Wala akong kamalay-malay na may lumabas na pala. Feb. 4 ng afternoon 'yung wife ni Bayani lowbiz atbp. MARTES, PEBRERO 24, 2015 lwan ngayon si Jasmine kasama ang I nag-celebrate ng kaarawan. line si Anne kung ano ang gusto nitong ~nne, 'come with me in Amanpulo', so g plane ticket niya, kaya nandoon sila bukas)," kuwento sa amino ldi umuwi ng Australia si Jasmine na lil nga advance taping naman sila ng ':reetdancers. ng, marami siyang commitments dito Jurce. sap na noong Oktubre, Nobyembre at laka-grieving period ni Jasmine dahil iSam. 'IDa that time, naghiwalay, pero trying , up. Jasmine ng mga panahong 'yun kasi Ira (Regal Films) 'tapos nasa Australia r kaya hindi napansin ng lahat. n naman si Jasmine ngayon, hindi lang I amin ng taong malapit sa dalaga. 19rama ng dalaga sa TV5 ay masaya ng nasasaktan siya sa hiwalayan nila I," sang-ayon sa amino --Reggee Bonoan lalabas I8hine called me up and told me may article daw sa Journal. Tapos hayun, dire diretso na 'yung mga sinusulat ng camp ni Montano about me ... lumaki na nang lumaki. Sorry po, hindi ko kilala ang writer na 'yun," sey pa rin ng aktres. Lahad pa rin ni Sunshine, ayaw na niyang magsalita mula ngayon tungkol sa isyu sa kanilang dalawa ni Cesar at sa kasong isinampa niya. "Basta we filed the complaint discreetly'tapos na-magnify na kasi ang dami nang sinusulat nu'ng kabila denying. Whatever it is, Kuya Jimi, quiet na tayo .. . for the kids na lang. Gusto ko humupa na itong issue. Hayaan na natin silang magsalita nang rnagsalita becacuse sooner or later lalabas ang totoo," sabi pa ng aktres sa amino OF~'I\f, PR~.~ SINCE 1900 THE PHILIPPINES' LEADING NATIONAL NEWSPAPER Advertlse ... ents Classl.led Ads r 19kasama noong Araw ng mga Puso "Sinabi na lang na magkasama kasi o ang totoo hindi talaga." . haka-haka lang naman lahat 'yan dati naging isyu lang naman 'yan noong mg na-post na picture, hindi naman EXPONaN'Y MAIlILAaBULLBTIII ~QnnQng ong pag-usapan para walang isyu," ng taong malapit kay Jasmine Curtis ; kulitin kung ano ba talaga ang estado Concepcion. hindi pa hiwalay sina Sam at Jasmine sap na, "Totoong sila pa, inaayos nila 19salita, di ba, kasi inaayos, pero since llay na, pero okay naman sila," diing ~ Ni ADOR SALUTA are read bv Inore people and produce the best results. ACCEPTING ADVERTISEMENTS, UMEPENSA ang brother ni Cesar Montano na si Jing Manhilot para isiwalat ang ilang nalalaman sa nagkahiwalay na magasawang sina Cesar at Sunshine Cruz. Sa kanyang interbyu sa The Buzz nitong nakaraang Linggo, aminado si Jing na very much in love pa rin daw ang Kapamilya actress sa kanyang kapatid. Ang nararamdaman pang ito raw ni Sunshine kay Cesar ang nagudyok para kasuhan nito ang ex-husband ng Violence Against Women and Children. Matatandaang nag-file si Sunshine sa Quezon City Prosecu tor's Office laban sa dating asawa at cited sa complaint ang lewd actionna nakitang kanilang tatlong anak na babae noong magsleep-over ang mga anak sa kanyang bahay last November, 2014. Hindi nga lang tinalakay ang said issues sa The Buzz, due to it's sensitivity. Kaya't paniwala ni Jing, "Deep inside very conservative itong kapatid ko 1alo na sa mga anak niya. Tigilan na ang mga kabulastugan na 'yan. Sinisira mo rin ang sarili mo kasi walang asawang babae ang magbibigay ng ganyang pahayag, totoo man 0 hindi, sa publiko. Kung may natitira pang sense of decency definitely hindi po totoo 'yan. 1sa po itong malaking kabulastugan." Kung may ibang dahilan kung bakit pursigido si Sunshine sa kasong isinampa sa kapatid, ani Jing, "Nababagabag na yata si Shine kasi nasa social media na rin na nakikita si Buboy at itong former beauty queen na laging magkasama sa mga circles. Eh, siya diumano ay extremely jealous about this recent development. " Sinabi pa ni Jing na minsa'y naringgan niya ang aktres na sisirain daw nito si Cesar, anuman ang mangyari. Ayon diumano sa nakalap na impormasyon ni Jing, very much in love pa rin daw si Shine sa kapatid. "She was even quoted as saying, and take note, this is not coming D from me, these are words coming from Sunshine by those people close to both of them na, sisirain n'ya 'yong kapatid namin, both financially and career-wise, walang makikinabang kay Buboy kahit na sinong babae." Kumbaga, meron daw "fatal attraction" si Sunshine kay Cesar kaya ayaw nitong pakinabangan ng iba ang exhusband. Sa isang banda, mayroon ding rebelasyon ang lawyer ni Cesar na si Atty. Joel Ferrer, isang napakahalagang dahilan kung bakit rna tapang ni tong ipinaglalaban ang kaso ni Buboy? "Noong October 30, 2014, nag-meeting kami together with Sunshine, we were supposed to finalize' yung property relations nilang mag-asawa. '''Yung kay Shine 'binibigay na sa kanya 'yung property sa may Quezon City. But she still wants that property at Valley Golf. Nagkaroon ng stalemate sa usapan ng properties, nagulat na lang kami na ito ang sagot. Tingnan mo naman ang timing at coincidence," sey ng abogado ni Cesar. Sa mensaheng ipinadala ni Cesar sa The Buzz, ipinagdiinan ng aktor na dapat daw ay hindi nadadarnay ang kanilang tatlong anak sa usapin, aniya, "If you want the property you've been clamoring, then so be it. I have signed the compromise agreement giving you what you want," ani Cesar. "But do not and never, ever again drag our innocent daughters to settle our differences just to suit your own personal interest," sabi pa ng aktor. Sa panig naman ni Sunshine, mukhang walang makakahadlang sa kanyang ipinaglalaban. Harangan man siya ng sibat 0 tutukan man siya ng baril, wala na raw urungan. Kaya ang ganting-mensahe niya sa The Buzz, "I filed this complaint to protect my daughters, they desire to be loved and to be raised properly. A loving mother would protect and fight for her children to the fullest," pahayag ng aktres. SPECIAL SUPPLEMENTS ON ANNIVERSARIES, INAUGURATIONS, ETC. IN COLOR OR BLACK & WHITE ADVERTISING DEPARTMENT Tel. 527-7515-527-7517-527-8121 Fax 527-7533 ADVERTISING RATES P315.00 PER COL. CM. (WEEKDAYS) P370.00 PER COL. CM. (SUNDAY) CLASSIFIED ADS SECTION Tel_ 527-7523-527-7530-450-7094 OBITUARY 450-7095 FAX 527-7534.527-1627 CLASSIFIED ADS RATES LINE ADS WEEKDAYS f103.04 PER LINE SUNDAY f116.48 PER LINE BOX ADS WEEKDAYS r 352.80 PER COL. CM. SUNDAY r414.40 PER COL. CM. CIRCULATION DEPARTMENT Tel. 527-7522 Fax 527-7526 MANILA BULLETIN HEAD OFFICE ADVERTISING DEPARTMENT DISPLAY ADS SECTION Tel. 527-7515; 527-7517; 527-7520; 527-7524 Fax 338-4564; 527-7533 CLASSIFIED ADS SECTION Tel. 527-7523; 527-7530 Fax 527-7534; 527-1519 CIRCULATION DEPARTMENT Tel. 527-7522 Fax 527-7526 BRANCHES CEBU BRANCH MANILA BULLETIN BUILDING CUBAO BRANCH MANILA BULLETIN BUILDING Jakosalem corner Zamora Pari·an, Cebu City Tel. (032) 256·0125; 256·0127; 256·0128 904 Aurora Boulevard corner Harvard Street, Cubao, Quezon City Tel. 352-4390; 352-4396; 352-4397 Fax 352·5974 DAVAO BRANCH MANILA BULLETIN BUILDING C. Bangoy corner J.P. Rizal, Davao City Tel. (082) 225·0660; 225-0661 ; 225·0662 ILOILO BRANCH MANILA BULLETIN BUILDING Quezon corner Delgado, Iloilo City Tel. (033) 336·9450; (033) 336·9658 CAGAYAN DE ORO BRANCH MANILA BULLETIN BUILDING S. Osmeiia comer J. Ramonal Cogon, Cagayan de Oro City Tel. (088) 857·1764 GRACE PARK BRANCH MANILA BULLETIN BUILDING Rizal Avenue Extension corner 10th Avenue Grace Park, Kalookan City Tel. 363·2216; 363·1333 Fax 363·1333 NAGABRANCH MANILA BULLETIN BUILDING Peiiafrancia Avenue corner Dimasalang, Naga City Tel. (054) 473·7522 Fax (054) 473·7526 SANTIAGO CITY BRANCH MANILA BULLETIN BUILDING Maharlika Highway comer Abauag Street, Poblacion, Santiago City Tel. (078) 305-3339 Fax (078) 305·3378 WEST AVENUE BRANCH GIF Delta Building, West Avenue corner Quezon Avenue, Quezon City Tel. 373-3910; 373-3911 ; 373-3912 Fax 373-3913 ALABANG BRANCH Unit 104 G/F South Center Tower, 2206 Market, Madrigal Business Park Alabang, Muntinlupa City Tel. 772.1901 ; 772·1902 Fax 772-1903 MAKATIBRANCH Ground Floor, Atrium of Makati Makati Avenue, Makati City Tel. 811-4357; 811-4453; 811-4391 Fax 812·3962 ORTIGAS BRANCH G/F East of Galleria Building, Topaz Road, Ortigas Center, Pasig City Tel. 631-0193;631-0208; 631-0346 Fax 631-0176 DUMAGUETE CITY BRANCH Unit 4 Paya Buiding, Bypass Road, Looc, Dumaguete City Tel. (035) 522·1068; (035) 522·1069 BAGUIO CITY BRANCH Unit 102 EGI Albergo di Ferroca Condominium, #1 Villamor Drive, Brgy. Lualhati, Baguio City Tel. (074) 422·6324; 422·6204 Fax (074) 422·6070 THE MANILA BULLETIN OFFICES ARE ALL LOCATED IN THE PHILIPPINES. 10 Showbiz martes, pebrero 24, 2015 balita ‘DI NASUSUWELDUHAN ANG STAFF Diether Ocampo, hindi tatakas sa responsibilidad Ni ADOR V. SALUTA L UMANTAD si Diether Ocampo pagkatapos maglabasan ang mga alegasyon na kesyo hindi niya nasusuwelduhan ang staff ng kanyang indie film production. Sa ABS.CBN-Push. Com, nagpaliwanag ang aktor tungkol sa usaping pinansiyal maging sa kanyang suppliers. Nagpadala naman siya ng statement sa The Buzz nitong nakaraang Linggo, at sinabing he’s taking the full responsibility sa mga nangyari. Ayon sa kanyang statement, “As the executive producer of Tandem Entertainment, I take full responsibility. There are matters beyond my control that led to this predicament. I will never run away from my responsibilities.” Nakatakdang makipag-meeting si Diet sa kanyang mga staff para resolbahin ang problema. “I treasure the people behind the project and I would not allow them to suffer. I assure the staff that I will give them what is due them,” sabi pa niya sa pahayag. Samantala, mayroong production staff si Diether na lumantad (pero ayaw magpakita sa camera) na nagsabing may pagkakautang na milyones ang aktor sa kanyang mga tauhan. “Actually nagbigay siya sa ibang mga staff ng post-dated check last January. Naka-date ‘yun ng February 10. Pero noong ‘yung iba nagpapalit na, hindi daw napondohan. All in all, siguro mga milyun-milyon ang utang ni Diet sa aking estimate,” sabi nito. May ilang staff naman daw na nakatanggap ng suweldo, pero karamihan ay ‘nganga’ pa rin. “Yung ibang staff, hanggang second downpayment pa lang ang nare-receive and the other staff, wala pa talaga. ‘Yung mga huling pumirma ng kontrata, kahit piso walang na-receive,” matapat naming pag-amin ng aktor. Umaasa ang ilan sa kanyang mga staff na kahit lumabas ang problema sa social media ay maaayos ito sa lalong madaling panahon pagkatapos ng kanilang takdang paguusap-usap. “Sana as soon as possible, ma-resolve ‘yung problema na ito kasi sobrang tagal na. Hindi rin naman kami ganu’n kayaman para basta na lang i-give up ‘yung utang niya sa amin,” say pa ng nagsalitang staff. Gretchen Baretto at Arnold Reyes, wagi sa 13th Gawad Tanglaw Ni JAY AZAÑA N ATAMO nina Gretchen Baretto at Arnold Reyes ang dalawa sa pinakamatataas na parangal sa katatapos na 13th Gawad Tanglaw Awards (Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw). Pinarangalan bilang Best Supporting Actress si Gretchen para sa kanyang mahusay na pagganap bilang isang psychologist na nagkumbinsi sa kanyang asawang abogado na tulungan ang isang mentally-challenged na estudyante na inakusahang nanggahasa sa kanyang guro, sa pelikulang The Trial. Ipinagkaloob naman kay Arnold ang President’s Jury Award for Excellence (Theatre, Television, and Film). Kilala siya sa mundo ng showbiz bilang ‘the ultimate actor’ dahil sa kanyang pagpapamalas ng angking galing sa pag-arte sa mga stage play, palabas sa telebisyon, at sa pelikula (sa indie at sa mainstream). Sina Gretchen Baretto at Arnold Reyes ay kapwa nasa kuwadra ng Backroom, Inc. na maaaring makontak sa backroominc@hotmail. com. PARI ‘KOY Noong nakaraang Miyerkules, sumabak na sa taping ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes para sa pinakabagong serye ng GMA-7, ang Pari ‘Koy. Kinunan ang first taping day sa Boso-Boso, Antipolo sa pamamahala ng direktor na si Maryo J. delos Reyes. Labis na excited si Dingdong dahil sa unang pagkakataon ay gaganap siya bilang isang pari. Nakatakdang mapanood ang Pari ‘Koy ngayong Marso sa GMA Telebabad. 11 balita martes, pebrero 24, 2015 87th Academy Awards winners Volume 14 / Issue 12 • FEBRUARY 2015 MALTESE : LOVE AND COMPANION ANIMAL CARE 101: Common Mistakes Pet Owners Make THE RISING POPULARITY OF THE SAVANNAH MONITOR BLACK,WHITE OR BLUE? Does the color of your Tank background matter? VOLUME 1 4 • N UMBER 1 2 ARITO ang listahan ng 87th Annual Academy Awards show noong Linggo ng gabi (Lunes ng umaga sa Pilipinas) sa Dolby Theater sa Hollywood, Los Angeles hosted by Neil Patrick Harris. Best Picture — Birdman Best Director— Alejandro González Iñárritu (Birdman) Best Actress— Julianne Moore (Still Alice) Best Actor—Eddie Redmayne (The Theory of Everything) Best Supporting Actress—Patricia Arquette (Boyhood) Best Supporting Actor -- JK Simmons (Whiplash) Achievement in cinematography— Birdman: Emmanuel Lubezki Achievement in costume design— The Grand Budapest Hotel – Milena Canonero Achievement in makeup and hairstyling— The Grand Budapest Hotel – Frances Hannon, Mark Coulier Best foreign-language film—Ida- Pawel Pawlikowski Best live-action short film— The Phone Call – Mat Kirkby, James Lucas Best documentary short subject— Crisis Hotline: Veterans Press 1 – Ellen Goosenberg Kent, Dana Perry Achievement in sound mixing—Whiplash – Craig Mann, Ben Wilkins, Thomas Curley Achievement in sound editing — American Sniper – Alan Robert Murray, Bub Asman Achievement in visual effects— Interstellar – Paul J Franklin, Andrew Lockley, Ian Hunter, Scott R Fisher Best animated short film—Feast Animal Scene N Achievement in film editing— Whiplash – Tom Cross Best documentary feature— Citizenfour – Laura Poitras, Mathilde Bonnefoy, Dirk Wilutzky Best original song— Glory from Selma – Lonnie Lynn (Common), John Stephens (John Legend) Best original score— Alexandre Desplat – The Grand Budapest Hotel Original screenplay—Alejandro González Iñárritu, Nicolás Giacobone, Alexander Dinelaris, Adapted screenplay—Graham Moore – The Imitation Game Chrissy Teigen at John Legend FEB RUARY 201 5 Eddie Redmayne David Burtka at Patrick Harris Volume 13 / Issue 6 • August 2013 J.K. Simmons, Patricia Arquette, Julianne Moore at Eddie Redmayne FEBRUARY 2015 Maltese LOVE AND COMPANION – Patrick Osborne, Kristina Reed Best animated feature film— Big Hero 6 Best production design—The Grand Budapest Hotel: Adam Stockhausen, Anna Pinnock 12 Libangan (Ika-119 labas) “ W alang dudang siya ang taong nasa likod ng kaso mo, Aurelio. . .” Nakakatiyak na wika ni Mang Teroy. “Siya lamang ang tanging taong may sapat na motibo upang mag-isip ng masama laban sa iyo.” “Ibig n’yo hong sabihin, lubos at ganap na kayong naniniwalang si Baldomero ang nagsulong ng kaso laban sa akin?” Tanong ni Aurelio na tulad ng mga nakaraang pagkakataong natatalakay nila ang ganitong paksa, nakakadama ng malaking galit at poot. “Oo, Aurelio. . .” Sagot ni Mang Teroy. “Nag-aral siya sa isang sikat na unibersidad kaya maraming makakasabwat na maimpluwensyang taong tutulong upang maipakulong ka sa gawagawa at walang katotohanang kaso.” ESTELLA DEL MUNDO’S HUL martes, pebrero 24, 2015 “Isa pa, isa ang pamilya nila ang pinakamayaman sa ating bayan sa probinsya. Sapat na itong puhunan upang mabago niya ang takbo ng batas higit ng pag-uusig. . .” Dagdag pa ni Mang Teroy. “Kailan kaya magbabago ang isip ni Baldomero?” Tanong ni Aurelio. “Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Mang Teroy na nais maliwanagan sa sinabi ng pamangkin. “Ibig ko hong sabihin, kailan kaya papasok sa isipan ni Baldomero na mali ang ginawa niya sa akin. Na wala akong kasalanan sa kasong isinusulong niya kaya hindi ako dapat magdusa sa kulungan.” Paliwanag ni Aurelio. “Mangyayaring tiyak ang gustong mong maganap sa mga darating na panahon, Aurelio. . .” Sagot ni Mang Teroy. “Ano hong ibig ninyong sabihin, Tiyo Teroy!” Tanong ni Aurelio na bakas na bakas sa boses ang malaking pagnanais malaman ang naglalaro sa isipan ng tiyuhin. “Baka kusang pawalang saysay ni Baldomero ang kaso kapag kasal na sila ni Ligaya. Kapag natupad na ang kasunduan ng mga magulang nilang ipapakasal sila kapag nakatapos na ng kolehiyo.” Paliwanag ni Mang Teroy. “Kapag mayroon na silang mga anak. . .” Dagdag pang paliwanag ni Mang Teroy. “Dahil batid ni Baldomero sa panahong naganap na ang mga ganitong pangyayari, hindi mo na maaagaw sa kaniya si Ligaya. Higit sa lahat, hindi na magkakaroon ng katuparan ang pag-ibig at mga pangarap ninyong binuo ng lihim.” Hindi nakasagot si Aurelio sa sinabi ng nakakatandang kapatid ng amang si Mang Damian. Naumid ang kaniyang dila at mistulang tumigil ang pag-ikot sa kaniya ng mundo. Nagsimulang gumuho upang tabunan at durugin ang kanilang pag-ibig ni Ligaya na sumibol sa panahon ng kanilang kamusmusan. Naglalaro rin sa isipan niyang malapit sa katotohanan ang mga sinabi at paliwanag ng tiyuhing si Mang Teroy kung kailan siya palalayain ni Baldomero. Kaya matagal ng nakaalis ang nakakatandang kapatid ng ama, laman pa rin at pinagkakaabalahan ng kaniyang isip at diwa ang sinabi ng tiyuhin tungkol sa gagawin ng taong nagsulong ng kasong gawa-gawa at walang katotohanan laban sa kaniya. Isang kasong tiyak niyang dudurog sa kaniyang pusong labis na nagmamahal kay Ligaya at wawasak sa mga pangarap nilang binuo ng lihim. “Kumusta si Aurelio?” Tanong ni Aling Liway ng makabalik ang asawa sa kanilang bahay sa lugar ng mga iskuwater sa Maynila. “Tulad pa rin ng dati, nakakulong sa city jail. . .” Pabirong sagot ni Mang Teroy ngunit seryoso sa pagsasalita. “Teroy, ano ka ba naman, kinakausap ka ng maayos, pabalagbag ang sagot mo. Alam kong nakakulong siya, ang tinatanong ko, ang kaniyang kalagayan.” Napipikong paliwanag ni Aling Liway. “Ikaw talaga kahit kailan, may lamang kalokohang ang utak!” “Ikaw naman hindi na nasanay sa akin. . .” Sagot ni Mang Teroy. “Biniro lang kita para Palaisipan ni Nonie V. Nicasio SCOPE baLita R.V. VILLANUEVA gumaan ng kaunti ang mga isipin natin sa nangyari kay Aurelio. Tulad pa rin daw ng dati, dumating ang mga testigo at muli siyang idiniin sa kasong pagnanakaw sa unibersidad.” “Talagang walang konsensya ang Baldomero na ‘yun. . .” Wika ni Aling Liway na tulad nina Mang Teroy at Aurelio, natitiyak na ang binata ang nasa likod ng gawa-gawa at walang katotohanang kaso. “Biro mo, naatim na ipakulong ang kababata at kabarangay na alam niyang walang kasalanan.” Dagdag pa ni Aling Liway. “Sagad na yata sa buto ang kaniyang kasamaan!” (Itutuloy) ni Boy A. Silverio Huwag magpabaya sa iyong responsibilities lalo na in this cycle. Have fun pagkatapos ng iyong assignments. It’s rewarding. TAURUS [Apr 20 - May 20] Do the necessary changes kung magdudulot iyon ng development sa iyong endeavor. Sa simula lang naman ito mahirap. Sagot Kahapon Sosyalan GEMINI [May 21 - Jun 21] Ipakita ang totoong feelings at sabihin sa significant someone ang iyong saloobin. Dahil positive ang iyong disposition, expect positivity. CANCER [Jun 22 - Jul 22] Never mag-decide hanggang hindi mo nakukumpleto ang facts. One small mistake ay maaaring lumikha ng disaster later. LEO [Jul 23 - Aug 22] Positively, kapag binago mo ang iyong attitude, mag-i-improve ang iyong love life. Find an activity na maglalayo sa iyo sa masama. VIRGO [Aug 23 - Sep 22] Makahahanap ka ng way to brighten up this day. Ilayo ang sarili sa negativity ng iba mong kasama. Be the sunshine! LIBRA [Sep 23 - Oct 22] Malalagay sa danger ang iyong reputation kung patuloy kang makikisama sa someone na isinusuka ng iba. Wake up! SCORPIO [Oct 23 - Nov 21] Mataas ang level ng iyong interest sa mga bagay na you really love to do. Kaya mong ma-achive ang desired results. SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21] Anong mayroon sa past na lagi mong binabalik-balikan? It’s time na palayin ang sarili sa stress ng kahapon. Move on! CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19] Impatience ang bubutas ng bulsa mo. Makukuha mo naman ang items na iyong gusto kung matututo ka lang maghintay. AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18] May ilang magsa-suggest ng ways para gawin ang trabaho mo. Manatili ka sa alam mo. Tungkol ito sa accountability. PISCES [Feb 19 - Mar 20] Suddenly, maa-appreciate mo na ang efforts ng isang colleague. Huwag maging maramot sa pagbibigay ng praises. PAHALANG 1. Nunal 6. Peste sa bahay 10. Dagli 11. Ngalan ng babae 12. Termino sa boksing 13. Ligid 14. Ismid 17. Doctor, daglat 19. Lagot 21. Langitngit 22. Tahi 23. Kaibigang babae 28. Compass point 30. Pangalan 31. Biyak 35. Kataga 36. Uri ng biskuwit 37. Pananong 39. Linlang 40. Sandatahan PABABA 1. Saklob 2. Pamilihan sa San Juan 3. Los Angeles 4. Identification 5. Sagwan 6. Buti 7. Aspile 8. Puna 9. Tugon 15. Saka LAMAN LUPA 16. 3.1416 18. Loterya 20. Empasis 22. Kita 24. Tawag sa nanay 25. Daglat ng Illinois 26. Sakim 27. Sombra 29. Tawag ngayon sa Highway 54 32. Yata, ibang anyo 33. Igsi ng tatay 34. Balat ng palay 37. Umaga 38. Los Angeles PAHALANG 1. Hiram 6. Lamat 11. Sunog 12. Tsimay 13. Remata 14. Gabok 15. Kahol ng aso 16. Pamutol, Ingles 17. Bating Kastila 18. Adelantado 19. Celso __ Castillo 21. Huwaran 23. Mangutya 25. Bungad 27. Pang-ugnay 29. Iyak ng sanggol 30. Isa kay Marimar 31. Mall sa Q.C. 32. Pantukoy 33. Namumukod 34. Ikot 35. Kalye sa Makati 37. Ginapas 38. Hawa 39. Aklat-dasalan PABABA 1. 2. 3. 4. Tanong Hiwa Libang Singer na King Cole 5. Utol ni Claudine (inisyal) 6. Dating komikero 7. Kabyaw 8. Nota 9. Aruga 10. Pulutong 14. Pansin 18. Mina sa pelikula 20. Isda ‘pag inulit 22. Utos sa nanganganak 23. Also Known As 24. Sinapupunan 25. Takip sa bibig 26. Usog 27. Palayaw ng babae 28. Hinto 31. Lihim na komunikasyon 33. Minsan pa 34. Ito sa Bisaya 36. Palayaw ni Alfredo 37. First lady ni Ferdinand Marcos ni Roni Santiago Cheers to one happy birthday for our beloved Cleve, Liv Alphonse A. Antipolo. May God bless you always. Sana lagi kang healthy, happy at mabait. We love you so much. Enjoy your day! Love lots, Mommy & Daddy; Atienza and Antipolo families and Team Balita. To the coolest dad in the world, Mr. Federico M. Cal, Jr., there may be many great fathers, but there is only one amazing one, you! No matter how tall I have grown, I will always look up to you. Uhmmwah! Happy birthday! We love you, Daddy! Greetings from Mark, Ellaine & Malor and your wife, Estela. CPGHS-Cubao’s 5th Grand Alumni Homecoming Calling all graduates of Carlos P. Garcia High School-Cubao. We’ll be having our 5th Grand Alumni Homecoming on February 28, 2015 at CPGHS Compound in Ermin Garcia St., Cubao, Quezon City. Registration starts at 3:00pm. For details, please contact the following: Ms. Elsa Isip (0927-7504448, 0929-1235914), Mr. Franklin Ramirez (0927-6954109) and Ms. Analiza Florida-Perez (0998-5399370, 09328614294). GINTONG BUTIL ANG PUMALIT SA IYO Sis. VVP Isang Sabado, nilinis ko ang magulong silid ng aking dalagang anak sa aming bahay. Sa pagsalansan ko ng kanyang mga papel, napukaw ang aking atensiyon sa isang aklat na tungkol sa mga alamat. Binasa ko ang buhay ni Prometheus. Si Prometheus na anak ng isang Titan, isa sa mga higanteng nakatatandang diyos ng Greek Mythology. Kaibigan ng mga mortal si Prometheus. Nagpupuslit ng apoy si Prometheus mula sa langit at ibinibigay niya iyon sa mga taga-lupa upang maibsan ang lamig. Si Prometheus din ang nanghula sa sasapiting kamatayan ni Zeus ngunit hindi niya sinabi kay Zeus kung paano ito mamamatay. Dahil sa galit, kinadena niya si Prometheus sa isang malaking bato sa tuktok ng bundok kung saan araw-araw siyang dinadalaw ng isang buwitre upang kainin ang kanyang atay. Sinabi sa kanya ni Zeus na huwag na siyang umasang matatapos ang kanyang paghihirap; hanggang may dumating na diyos na hahalili sa kanyang pagdurusa. At dahil imortal siya, tumutubo lang ang kanyang atay ngunit nararamdaman niya ang kirot at hapdi ng paglamon sa kanya ng buwitre. Nangyayari ito sa loob ng tatlumpung taon hanggang mapatay ni Hercules ang ibon na nagpahinto ng kanyang paghihirap. Ang kathang-isip na istoryang ito ay mahahalintulad noong araw nang mamatay si Jesus sa krus. Nakakadena ang sangkatauhan sa kasalanan at walang pag-asang makatakas kung hindi hahalili ang Diyos para sa atin. At iyon mismo ang nangyari. Si Kristo Jesus, na Anak ng Diyos, ay namatay upang tubusin tayo sa ating pagkakasala. Nagbigay Siya ng daan upang maligtas tayo mula sa walang katapusang parusa. Magsulat man tayo sa loob ng sanlibong araw o dantaon, hindi natin mailalarawan o maipahahayag ang kahulugan ng pagsasakripisyo ni Jesus para sa katubusan mula sa kasalanan ng sangkatauhan. Hindi natin mauunawaan ang buong kahalagahan ng pag-aalay Niya ng buhay. Kung nananampalataya at nagtitiwala ka kay Jesus, malalaman mo ang kahulugan ng paghalili Niya sa iyo sa tanikala ng pagdurusa. ninakawan ng ulam, pumatay Hindi inakala ng isang 27-anyos na binata na pritong bangus lang ang magiging kapalit ng kanyang buhay matapos siyang patayin ng security guard na nagbintang sa kanyang kumuha ng ulam nito kahapon ng madaling araw sa Barangay San Francisco sa Gen. Trias, Cavite. Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan si Randy Obordo, 27, binata, nakatuloy sa barracks ng pinagtatrabahuan nito sa Le Rica Homes sa Bgy. San Francisco. Agad namang nakatakas si Elarde Calogmaton, nasa hustong gulang, security guard, ng Bgy. San Francisco, Gen. Trias. Sa imbestigasyon ni PO2 Allan John Edoria, dakong 12:30 ng umaga at natutulog si Obordo sa kanilang barracks kasama ang nobya nitong si Liezel Punzalan nang kumatok ang suspek at nang pagbuksan ay agad itong kinumpronta ng suspek at hinahanap sa biktima ang pritong bangus. Itinanggi ng biktima ang bintang na kinuha niya ang bangus hanggang sa magtalo ang dalawa at umalis si Calogmaton pero pagbalik ay pinagbabaril na ang biktima Beth Camia nagparenta ng sasakyan, sinagasaan ng carnapper MADALI SAgot kAhApon Patay ang isang 35-anyos na negosyante ng Rent A Car matapos siyang sagasaan ng kanyang kostumer gamit ang kanyang Toyota Fortuner na tinangay nito noong Linggo sa Barangay Anuling Lejos 2 sa Mendez, Cavite. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Leonard Jose Evaristo Bacani, 35, may asawa, negosyante at residente ng SSS Village, Marikina City. Nakilala naman ang suspek na si Sherwin Villapando Alcantara, nasa hustong gulang, ng San Pablo, Laguna. Sa pagsisiyasat ni Insp. Christian Padul, hepe ng Mendez Police, inarkila umano ng suspek ang Toyota Fortuner (ZSY-920) ni Bacani at kasama ang huli bilang driver ay nagpahatid si Alcantara sa Bgy. Anuling Cerca 1 sa Mendez para hanapin ang isang Atty. Lourdes Marasigan. Bumaba umano ang biktima upang ipagtanong ang bahay ni Marasigan pero pagkababa nito ay agad na pumuwesto sa driver’s seat ang suspek at walang sabi-sabing pinaharurot ang sasakyan. Agad na humabol ang biktima pero sinagasaan siya ng suspek bago tuluyang tumakas tangay ang Fortuner. Sa follow-up operation ng pulisya ay nabawi ang Fortuner ng biktima sa panulukan ng Alfonso Road sa Bgy. Panungyanan 1 sa Mendez, pero pinaghahanap pa ang suspek. Beth Camia 14 Sports marteS, pebrero 24, 2015 Passuello, Pooley, umarangkada sa 2nd Yellow Cab Challenge PH Binalewala nina Italian Domenico Passuello at British Emma Pooley ang sikat ng araw kung saan ay nakipagpambuno sila sa ‘di inaasahan at challenging obstacles sa ikalawang edisyon ng Yellow Cab Challenge Philippine Subic-Bataan noong nakaraang Sabado. Napasakamay ng Italian athlete ang kanyang unang Yellow Cab Challenge Philippines title sa Pro Men field kung saan ay naorasan ito ng 4:04:22, habang tinangay ng kanyang female counterpart ang Pro Women field championship nang maiposte nito ang oras na 4:41:51. “[The race was] really tough and the course was really really hot and windy… but there are a lot of trees and a lot of station [where you can always refresh],” pahayag ni Passuello, ang first-time racer sa Pilipinas. Tumapos ng ilang minuto lamang sa likuran ng bagong titleholder si Danish Rasmus Petraeus na naorasan ng 4:09:04. Ungos pa ang two-time Challenge Phuket champion sa kaagahan ng karera ngunit iniwanan din siya ni Passuello sa kalagitnaan sa pamamagitan ng bike course. “Rasmus was too strong today until the half of the bike so I was pretty scared about [that] but I knew I can beat him on the run. I didn’t know about my gap when I change here in transition (from biking to running) so I pushed a lot in the first 10km run,” saad ni Passuello na planong sumabak uli sa susunod na Challenge race sa bansa. Bagamat ‘di kumbinsido sa kanyang performance sa swimming, sinabi ni Pooley na sadyang nasiyahan siya sa naggagandahang corals at sa dalawang makasaysayang na nasa Subic Bay. Nakuha niya ang control sa pamamagitan ng bisikleta na kanyang kinukonsidera na pinakamalakas na tagpo sa karera. “It was tough but [it’s a] beautiful course. I came back to try and win and I really had a good day!” ayon kay Pooley na naisakatuparan ang pagbabalik matapos ang third place finish noong nakaraang taon. Iniaalay ng bagong titleholder at dating Olympic silver medalist ang kanyang panalo sa volunteers na sumuporta sa kanya sa kasagsagan ng nasabing karera. Ang third place sa men’s pro category ay si Australian Mitch Robbins na naorasan ng 4:13:11, habang tumapos na nasa ikaapat si Swedish Fredrik Croenberg na may record na 4:14:11. Bumagsak ang nakaraang taong second place na si Australian Michael Murphy sa ikalima na nagtala ng oras na 4:33:13. Napasama sa Top 10 sina American Brian Fleischmann (4:38:58), German Till Schramm (4:41:42), Spanish Eneko Elosegui (4:43:28), Australian Eric Watson (4:51:56), at Hong Kong Ivan Lo (4:55:46). Kinubra naman ni American Kelly Williamson ang second place sa Pro Women field na may oras na 4:52:14. Nasa kanyang likuran sina British Parys Edwards (4:53:19), Thai Carole Fuchs (5:20:49), German Katja Rabe (5:24:40), at Swedish Louise Rundqvist (5:26:18). Binaybay ng mga atleta ang 1.9km swim, 90km bike, at 21km run race course na sinasabing matindi at well-organized. Lumangoy ang mga racer sa pristine waters ng Subic Bay, tumahak sa bulubundukin ng Bataan course, at tumakbo sa kahabaan ng scenic at peaceful canopy forest. Ibinulsa ng mga kampeon sa Men at Women Pro field ang 5,000 euros (P250,000). Ang karera sa taon na ito ay kinabilangan ng kabuuang 700 athletes mula sa iba’t ibang bansa, kasama na ang notable triathlon personalities locally at internationally. Ipalalabas ang karera sa halos 82 global markets na magpapakita na ang Pilipinas ay isa sa pinaka-in-demand lifestyle at sporting destination. Para sa karagdagang detalye, bumisita sa Yellow Cab Challenge Philippines website sa http:// challengephilippines.com.ph. and being committed to its continued growth. For further information on Challenge Family visit www.challenge-family.com. balita Stoudemire, nagpakitang-gilas sa Mavericks DALLAS (AP)– Ipinakita ni Amare Stoudemire na kaya niyang tulungan ang Dallas sa kanyang debut para sa Mavericks. Umiskor ang 32-anyos na si Stoudemire ng 14 puntos sa kanyang 11 minutong paglalaro bilang center at back-up ni Tyson Chandler upang tulungan ang Mavericks patungo sa 9281 panalo laban sa Charlotte Hornets kahapon. Ang six-time All-Star ay binati ng isang standing ovation nang siya ay ipasok sa second quarter. Pumirma siya sa Dallas noong All-Star break matapos ang buyout ng kanyang kontrata sa New York Knicks. ‘’We’ve got all the right personnel, a great coaching staff,’’ sabi ni Stoudemire, na nag-average ng 12 puntos at 24 minuto kada laro ngayong season para sa Knicks. ‘’Tonight, I kept it simple and played my game.’’ Ang lahat ng limang field-goal attempts ni Stoudemire ay nangyari ilang talampakan mula sa basket, kabilang ang baseline dunk at isang alley-oop finish. Pinangunahan ni Monta Ellis ang Dallas sa kanyang 23 puntos. Labinlima rito ang nanggaling sa huling 7 minuto, ang kanyang anim na field goals ang nagsindi sa 15-2 spurt ng Mavericks matapos makalapit ng Hornets sa 7568. ‘’He’s our closer,’’ sabi ni Dirk Nowitzki tungkol kay Ellis. ‘’We definitely needed something.’’ Nanguna si Mo Williams sa Charlotte para sa scoring sa ikalawang pagkakataon mula nang makuha mula sa Minnesota noong Pebrero 10. Siya ay nagtala ng 22 puntos noong Linggo makaraang makakuha ng 28 laban sa Oklahoma City noong Sabado. Sina Michael Kidd-Gilchrist at Marvin Williams ay kapwa nagdagdag ng 15 puntos para sa Charlotte. Ito ang ikalimang sunod na pagkatalo ng Hornets at nalaglag sa ninth place sa Eastern Conference. ‘’Tonight, we lacked - it was a readiness to start the game,’’ saad ni Hornets coach Steve Clifford. ‘’We have to play with a discipline, a defensive disposition and rebounding disposition that right now is coming and going.’’ Resulta ng ibang laro: Cleveland 101, New York 83 Detroit 106, Washington 89 Atlanta 97, Milwaukee 86 Indiana 104, Golden State 98 Orlando 103, Philadelphia 98 Oklahoma City 119, Denver 94 Memphis 98, Portland 92 LA Lakers 118, Boston 111 (OT) Ferrer, kampeon sa Rio Open TUMANGGAP ng napakahalagang advice si Sean “Rockrapidz” Smith ng Pilipinas mula kay Mark Goddard, ang multi-race winner sa Asia F2000 at Formula Toyota, bago nito sinubukang patakbuhin ang single-seat Formula Masters kamakailan. RIO DE JANEIRO (AP)– Napanalunan ni David Ferrer ang ikalawang torneo para sa season at ang ika-23 ATP singles title ng kanyang career nang kanyang talunin si Fabio Fognini kahapon, 6-2, 6-3, sa final ng Rio Open. Nakuha ni Ferrer ang lahat ng walong matches na kanyang inilaro kontra Fognini, kabilang ang huli, ang final sa clay sa Buenos Aires noong nakaraang taon. Si Ferrer ng Spain ang seeded No. 2 sa clay-court tournament sa likuran ng kababayang si Rafael Nadal. Tinawag niya itong kanyang “best match of the tournament” at sinabing sinasanay pa niya ang sarili sa ilalim ng bagong coach na si Francisco Fogues matapos ang mabagal na 2014 season. ‘’It was not easy to adjust,’’ saad ng 32-anyos na si Ferrer, na nakuha ang pinakamagandang umpisa sa kanyang career. ‘’This year I have recovered this relaxed feeling with the new coach.’’ Nakopo rin ni Ferrer ang Qatar Open sa Doha, ngunit isinantabi muna ang pag-iisip tungkol sa French Open. ‘’From this moment forward I am only thinking about playing next week in Acapulco on hard courts,’’ ani Ferrer. ‘’I don’t think much farther ahead than just enjoying this victory.’’ Nakakuha si Fognini ng upset laban sa top-seeded na si Nadal sa semifinals noong Sabado, 1-6, 6-2, 7-5. Ang pagkatalo ang tumapos sa 52-match winning string ni Nadal sa clay sa semifinals. Si Nadal, tinaguriang “The King of Clay” at nagma-may ari ng 14 Grand Slams, ay hindi pa nakaaabot sa final sa kanyang unang tatlong torneo ngayong season. Sa women’s final, tinalo ng topseeded na si Sara Errani ng Italy si Anna Schmiedlova ng Slovakia, 7-6 (2), 6-1. Ito ang ikawalong WTA singles title ni Errani at ang kanyang una mula nang manalo sa Acapulco, Mexico dalawang taon na ang nakararaan. Ang nasabing panalo rin ang nagangat kay Errani sa No. 12 sa WTA ranking, ang pinakamalapit niyang tsansa na makabalik sa top 10. ‘’I’m close, but that’s not my objective,’’ aniya. ‘’The most important thing for me is to practice well, do things right and improve. And I think when you do things the right way, other things follow.’’ Sports 15 balita marteS, pebrero 24, 2015 Durant, makalalaro pa matapos ang regular season OKLAHOMA CITY (AP)– Sumailalim si Kevin Durant sa isang surgery upang maibsan ang pananakit ng kanyang kanang paa at inaasahan ng Oklahoma City Thunder na magbabalik siya bago matapos ang regular season. Isang turnilyo ang pinalitan mula sa kanyang naging operasyon noong Oktubre para sa isang nabaling buto sa kanyang kanang paa. Sinabi ni Thunder general manager Sam Presti na ang star forward ay muling sasailalim sa evaluation matapos ang isang linggo. Inilahad ni Presti na ang ulo ng naunang turnilyo ay gumigiling sa cuboid bone ng nasabing paa na naging dahilan ng pananakit. Ang bagong screw ay walang ulo. Sinabi ni Presti na ang bagong hardware ay hindi makakaapekto sa nauna nang positibong long-term prognosis. Si Durant ay nakapaglaro lamang sa 27 laban ngayong season dahil sa napinsalang paa, sprained right ankle at sprained left big toe. Sinabi niyang namaga ang kanyang kanang paa matapos ang kanilang laro noong nakaraang Huwebes laban sa Dallas. ‘’Yeah, it’s tough, but I’ll figure it out,’’ aniya. ‘’Just got to get through it, keep getting treatment, and talk to trainers tomorrow to see what we can do to make it better.’’ Sinabi ni Presti na normal lamang na makaramdam ng discomfort matapos ang surgery, ngunit dapat itong mawala matapos gumaling ng buto. Sa halip, nagdagdagan pa ang sakit. Sinubukan ng koponan na DUrAnT pamahalaan ang pamamaga, ngunit nabigo. Nakipag-usap ang koponan sa orihinal na surgeon at kumuha ng second opinion bago magdesisyon sa gagawin. Nilinaw ni Presti na walang bagong injury sa nasabing paa. ‘’While he’s on the floor and playing through the soreness, he’s in no way putting at risk the initial injury,’’ saad ni Presti. ‘’Otherwise, he would not have been on the floor.’ Pacquiao, muling ininsulto ni Mayweather Buong yabang na sinabi ni WBA at WBC welterweight at junior middleweight champion Floyd Mayweather Jr. na napilitan si WBO 147 pounds titlist Manny Pacquiao na tanggapin ang kanyang alok na laban dahil kailangan ng Pinoy boxer ang malaking pera. Maghaharap sina Mayweather at Pacquiao sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada sa pinakamalaking laban sa kasaysayan ng boksing na may premyong $200 milyon. Para kay Mayweather, “nakasandal sa pader“ ang likod ni Pacquiao dahil sa malaking problema sa buwis sa Estados Unidos at Pilipinas. Inaasahang wawasakin ng welterweight megabout ang lahat ng rekord sa professional boxing na tulad ng pay-per-view record na $2.4 milyon na naitala ni Mayweather nang talunin ang kababayang si Oscar De La Hoya noong 2007. “And like I said before, I’m blessed and you can never take nothing for granted. The only thing I did was constantly work, constantly believe, constantly pray, and anything is possible,” sabi ni Mayweather sa Fighthype.com. “And like I said before, I can retire today and I’m okay. I was very, very smart investing my money in a lot of real estate, doing business with my big tycoon buddies. The great thing about my career is I did it my way.” Bagamat siya ang maraming dahilan para hindi matuloy ang sagupaan, pinalalabas pa ni Mayweather na napilitan lamang si Pacquiao na tanggapin ang sagupaan dahil sa malaking pangangailangan. “A lot of guys are forced to do things that they don’t want to do. I honestly believe that, at this particular time, even if Pacquiao didn’t want to fight, he has no choice because his back is against the wall,” giit ni Mayweather. “The reason why his back is against the wall is because he needs the money. I don’t. Every property that I have, from Miami to LA to Las Vegas, is paid for.” Gilbert espeña RONDA PILIPINAS 2015 CHAMPIONSHIP ROUND Stage 2: Lakas at tapang, muling ipinakita ni Oranza ANTIPOLO, Rizal– Muling ipinamalas ni Ronald Oranza ang tibay at tapang sa matatarik na mga akyatin sa mapaghamong 146.8 km Stage Two sa ginaganap na 2015 Ronda Pilipinas na inihatid ng LBC na nagsimula sa Calamba City at nagtapos sa Quezon National Forest Park sa Atimonan, Quezon noong Linggo ng gabi. Nagmistulang patag sa 22-anyos na miyembro ng Team Philippines at Philippine Navy na si Oranza ang liku-liko at matarik na daan sa tinaguriang ”Bitukang Manok” tungo sa solong pagtawid sa finish line sa kabuuang oras na 3:45:05. Sumunod sa kay Oranza si Marcelo Felipe (3:45:11), ikatlo si Mark Julius Bordeos (3:47:09), ikaapat si George Oconer (3:48:10) at ikalima si Santy Barnachea (3:48:10). Nasa Top 10 sina Cris Joven (3:48:36), John Paul Morales (3:48:56), Mark John Lexer Galedo (3:48:56), Merculio Ramos Jr. (3:49:26) at Edgar Nieto (3:49:26). “Alam ko po na mahihirapan ako kapag sabay-sabay kaming aakyat Ni ANGIE OREDO kaya kumawala na ako. Inabot ko ho si Marcelo Felipe dito na lamang halos sa 800m kaya noong nakita ko iyong marker ay inatake ko na,” sinabi ng mula sa Villasis, Pangasinan na si Oranza. Kinapitan naman ni Oconer, na unang nagwagi sa Stage One sa criterium race, ang simbolikong red jersey na katumbas ng overall leadership nang itarak nito ang kabuuang oras na 5:01:15, na may 29 segundong abante kina Cris Joven (5:01:43) at ang umakyat sa ikaltlong puwesto na si Oranza (5:01:57). Nagwagi sa stage junior category si Mervin Corpuz matapos ungusan sina Daniel Ven Carino at Joshua Giles sa isinumiteng maggkakaparehong oras na (3:15:32). Napunta naman ang overall juniors leadership kay Carino sa oras na 4:32:24 kasunod sina Jay Lampawog (4:33:00) at Corpuz (4:37:51). Samantala, nagtamo naman ng basag na ngipin ang miyembro ng Northern Luzon team na si Nilo Valdez na kalahok sa juniors category matapos itong batuhin ng isang lasing na manonood habang tinatahak ang lugar ng Quezon. Habang sinusulat ito ay isinasagawa ang Stage 3 na tatahak sa kabuuang 171.1 kilometro na sisimulan sa Quezon Provincial Capitol sa Lucena City at magtatapos sa Rizal Provincial Capito sa Antipolo City. Ang panalo ay kabuuang ikaapat na stage victory ni Oranza, ang isa ay noong 2013 habang winalis nito ang dalawang yugtong pinaglabanan sa ginanap na Luzon qualifying leg na nagtulak dito upang tanghaling kampeon. Sa kabilang dako, dagdag na insentibo naman para sa tatanghaling top two sa 11 kalahok na junior riders ang pagpapadala sa kanila sa Union Cycliste International (UCI) Training Center sa Korea. Sinabi ni Ronda Pilipinas Executive Director Moe Chulani na ang tatanghaling kampeon at ikalawang puwesto ay sasailalim sa 60 araw na pagsasanay sa UCI Training Center na nasa ilalim ng pamamahala ng isa sa mga namamahalang Commissaire sa karera sa bansa na si Eduard Park. FEU, UST, nakatutok sa huling silya sa F4 Standings: ADMU DLSU NU UST FEU UP AdU UE W 14 12 8 6 6 5 5 0 L 0 2 6 8 8 9 9 14 mga laro bukas: (mall of Asia Arena) 10 a.m. – UST vs. NU (men) 2 p.m. – ADMU vs. AdU (men) 4 p.m. – UST vs. FEU (women) Ganap na pinagbakasyon ng National University (NU) ang University of the Philippines (UP) sa pamamagitan ng 25-21, 25-16, 25- beermen . . . mula sa pahina 16 umiskor ng 21 puntos at 22 rebounds, nakuhang makabangon ng Beermen at pumasok sa winner’s circle kung saan nakisalo sila sa kanilang katunggali sa ikawalong puwesto. Bago ang paghihiwalay ng landas ng Road Warriors at Beermen, mag-uunahan namang makabalik 15 panalo sa pagtatapos ng eliminasyon ng UAAP Season 77 women’s volleyball noong Linggo ng hapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan. Dahil sa kabiguan, nalaglag ang Lady Maroons sa kontensiyon para sa ikaapat at huling Final Four berth na naiwan na lamang sa University of Santo Tomas (UST) at Far Eastern University (FEU) na kapwa nagtapos na may barahang 6-8 (panalo- talo) sa hulihan ng pumangatlong Lady Bulldogs na may kartadang 8-6. Nagsanib puwersa sina Jaja Santiago at Myla Pablo kung saan ay nagposte sila ng 29 puntos para sa naturang straight sets win, ang ikaanim sa siyam na mga laro ni coach Roger Gorayeb magmula nang hawakan niya ang koponan noong nakaraang buwan. Nakatakdang paglabanan ng Tigresses at ng Lady Tamaraws ang huling Final Four spot sa isang knockout match bukas sa Mall of Asia Arena sa ganap na alas-4:00 ng hapon. Ang mananalo sa dalawang koponan ang sasampa sa stepladder semis kontra sa Lady Bulldogs kung saan ang magwawagi ang haharap sa second seed na De La Salle University (DLSU) na may bentaheng twice-tobeat para sa karapatang makatunggali ang outright finalist at defending champion na Ateneo na una nang umusad sa bisa ng double-round eliminations sweep. “We will treat every game from now on a championship game. One miss you die, kaya inumpisahan namin dito,” ani Gorayeb, ang nasa likod ng pag-angat ng Lady Eagles sa torneo matapos nitong iniwanan ang koponan noong 2013. marivic Awitan mga laro ngayon: (Cuneta Astrodome) 4:15 pm Alaska vs. Barako Bull 7 pm NLEX vs. San Miguel Beer Cola na makabangon matapos ang dalawang dikit nilang pagkakasadsad, ang pinakahuli ay sa kamay ng Globalport Batang Pier noong Miyerkules, 81-99, makaraan ang unang apat na dikit na tagumpay. Inaasahan na mangunguna para sa koponan ang kanilang Nigerian import na si Solomon Alabi katulong ang local standouts na sina JC Intal, Chico Lanete at RR Garcia. marivic Awitan sa winning track ang Aces at ang Energy Cola sa pagtutuos nila ngayong hapon. Target ng Aces, sa pamumuno ni import CJ Covington, ang mahalagang panalo habang hangad naman ng Energy Beermen, isusunod ang Road Warriors DENNIS R. IÑIGO, EDITOR Maipagpatuloy ang nasimulang pagbangon at hangad na unang back-to- back win ngayong conference ang tatangkain ng Philippine Cup champion na San Miguel Beer sa pagsabak sa NLEX ngayong gabi sa 2015 PBA Commissioner’s Cup. Magtutuos ang Beermen at ang Road Warriors sa ganap na alas-7:00 ng gabi matapos ang unang salpukan sa pagitan ng Alaska at ng dating namumunong Barako Bull sa ganap na alas -4:15 ng hapon. DELIKADO 16 Mayweather, mahihirapan kay Pacquiao -Marquez Naniniwala si Mexican four-division world champion Juan Manuel Marquez na mabigat na laban para kay WBC at WBA champion Floyd Mayweather Jr. ang welterweight unification bout kay WBO titlist Manny Pacquiao sa Mayo 2 sa Las Vegas, Nevada. Sa panayam ng programa sa telebisyon na El Golpe a Golpe sa Mexico City, iginiit ni Marquez na kapwa niya nakalaban sina Mayweather at Pacquiao kaya batid niya ang kakayahan ng dalawang boksingero. Tinalo siya ng overweight na si Mayweather noong 2009 samantalang apat na beses silang naglaban ni Pacquiao na matapos ang dalawang talo at isang tabla ay umiskor siya ng panalo sa 6th round knockout noong 2012. “We know that Manny Pacquiao is not at his best, but he is coming in with a lot of motivation, with a lot of hunger, but the level is not the same. After that big knockout in 2012, a fighter’s mind can change,” diin ni Marquez. “A big punch to the jaw and he can relive those moments of 2012. Hopefully this does not happen and it becomes a great fight for the fans who have waited, but in the end Floyd Mayweather and Manny Pacquiao are not at their best.” Gayunman, sinabi ni Marquez na magandang magsagupa ang itinuturing na dalawang pangunahing pound-forpound boxers sa buong mundo pero mapanganib ang laban kay Mayweather. “I’m not saying they are not [great fighters]. Floyd Mayweather is considered the best pound-for-pound, followed by Manny Pacquiao, but what I am saying is they are not at their best - athletically speaking - because that fight should have happened three years ago - but it remains as an interesting fight that all of the fans want to see,” ani Marquez. “It’s a very dangerous fight [for Mayweather], because he has not faced any opponent with the speed or aggression of Pacquiao, and in this case also with power. Mayweather has not faced an opponent with these characteristics,” dagdag ng Mexican na tumangggi na sa ikalimang pagharap kay Pacquiao. Kuha ni BoB DUNgo JR. Ni giLBerT eSPeNA RAviNA Makaraang dumanas ng apat na sunod na kabiguan, nagawa ring makabasag sa win column ang Beermen nang talunin nila ang dating undefeated na Meralco,102-86, sa nakaraan nilang laban sa Cagayan de Oro City noong Sabado. Sa pangunguna ng ikatlo nilang import sa conference na ito na si Arizona Reid na nagposte ng 29 puntos at ni reigning MVP Junemar Fajardo na SUNDAN sa p. 15 martes, pebrero 24, 2015 balita RONDA PILIPINAS 2015 Ravina, humarurot sa Stage Three Ni ANgie OredO ANTIPOLO CITY– Inangkin ng nagbabalik na dating Tour champion na si Baler Ravina ang mahirap na 171.1km Stage Three habang inagaw ni Santi Barnachea ang overall leadership matapos tumawid na 1-2 sa finish line ng Ronda Pilipinas 2015 na inihahatid ng LBC na nagsimula sa Quezon Provincial Capitol sa Lucena City at nagtapos dito sa Rizal Provincial Capitol. Nagawang makisabay ni Ravina ng 7-11 ByRoad Bike Philippines at Barnachea ng Philippine Navy sa paglabas ng karera sa Lucena City sa 18-kataong breakaway bago untiunting kumawala patungo sa una sa tatlong akyatin na sinandigan nang dalawa upang pagsaluhan ang panalo. “Malaking tulong po na nakakuha ako ng stage win dahil nagkasakit ako sa baga at anim na buwan na nagpahinga. Ngayon lang po ulit ako talaga nakondisyon at masuwerteng nakapanalo ng lap,” sinabi ng dating 2012 Tour titlist na mula sa Asingan, Pangasinan na si Ravina. Itinala ng kapwa Pangasinenses na sina Ravina at Barnachea ang oras na 4:35:46 para sa una at ikalawang puwesto. Magkakasabay naman sina John Paul Morales at John Ray Gabay sa ikatlo at ikaapat na puwesto sa naitalang 4:42:35 oras. Magkakasama ding dumating sina Irish Valenzuela, Elmer Navarro, Marvin Tapic at Lloyd Lucient Reynante sa naiposteng oras na 4:42:45 habang ikasiyam si John Mark Camingao (4:42:55) at ikasampu si Lord Anthony del Rosario (4:43:36). Maliban sa Stage victory at P30,000 premyo, nakuha din ni Ravina ang overall points classification sa King of the Mountain na may dagdag na P3,000 sa natipon nitong 16 puntos. Ikalawa si Barnachea na may 11 puntos at ikatlo si Ronald Oranza na may 6 puntos. “Pinilit ko na kumawala doon pa lamang sa unang akyatin at noong nakita ko na isa lamang ang nasa likod ko na si Baler (Ravina), idineretso ko na ang pagtrangko. Nakiusap na lamang ako kay Baler na tulungan ako kahit kaunti lang dahil nakita ko na abante ako ng 40 segundo,” pahayag ni Barnachea na mula Umingan, Pangasinan. Bunga ng ikalawang puwestong pagtatapos ni Barnachea na asam ang ikaapat nitong titulo ay inagaw nito ang overall leadership sa kabuuang oras na 9:37:00 kontra kay George Oconer ng PSC-PhilCycling Team na nahulog sa ikalawang puwesto sa itinalang 9:45:00 at Cris Joven na may 9:45:29 oras. “Aalagaan ko na lang po siguro ang abante para makuha ang korona. Alam naman ng mga kasamahan ko na gusto ko makakuha ng isa pang titulo bago ako tuluyang magretiro,” giit ni Barnachea. Hindi naman nakatapos ang nagtatanggol na kampeon na si Reimon Lapaza ng Butuan Cycleline matapos itong magreklamo ng pagsusuka at pagkauhaw habang nasa kasagsagan ng karera at kinailangang isakay na lamang sa ambulansiya hanggang sa matapos ang karera. Tatahakin naman ngayon ng 88 natitirang siklista ang pinakamahabang distansiya na 199km Stage Four na magsisimula sa Bulacan Provincial Capitol patungo sa Tarlac Provincial Capitol. Nanguna naman si Daniel Ven Carino sa junior division upang dobleng ibulsa ang Stage at Overall. Nasa ikalawa din sa nasabing kategorya sina Jay Lampawog at Mervin Cruz. Inangkin din ni Mark John Bordeos ang Stage at Overall Best Young rider Under 23.
Documentos relacionados
april 24 page1.indd
bago nakatakdang ideklarang santo si Pope John Paul II, marami sa kanyang kababayan ay ipinagkikibit-balikat ang okasyon. Isang dahilan nito ay dahil sa puso ng mga Pole ay matagal nang santo si Jo...
Más detallesjesucristo - End Time Message Info
Matutunghayan din ngayon sa internet ang laganap ng pagkalat ng mga pornographic materials. Napakadali nang naida-download ng sinuman ang mahahalay na mga letrato at video mula sa libu-libong porno...
Más detalles